Chapter 8

57 7 0
                                    

Sinundo na ako ni mommy sa bahay ni Creston. Buti naman! Kahit masaya siyang kasama at gusto ko'y katabi ko siya lagi, err—drama 'no? Wala e, gan'on talaga t'saka nakakahiya na sa kanya. Masyado na akong maraming nagawang perwisyo.

Kanina, habang kasalukuyan niya akong tinuturan ng keyboard, biglang may bumisina sa baba kaya ayun nakita namin sina mommy. Dinaanan ako. Ngayon nasa bahay ma ako. Mag-isa. Ka-bored naman!

Na-idlip ako ng kaonti at nagising dahil kumakalam ang sikmura ko. Napatingin ako sa wall clock at nalamang quarter to 11 na pala. Gusto ko nang maglunch.

Pagkatayo ko ay bigla akong napa-upo ulit sa kama ko. Ang sakit ng ulo ko shems! Kanina ay bumaba na etong temperature at feeling presko na ako pero ngayon ay naramdaman kong uminit na naman ako. Naman! So masamang matulog gan'on? Eh buti nga nagpahinga ako e! Naghilamos ako ulit para naman medyo lumamig ang katawan ko. Tinali ko rin ang aking buhok at nag-ayos. Ayan medyo light ulit sa feeling.

Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko si mommy na nagluluto yata ng tinolang manok. Ang sarap! Natatakam na ako kaya 'di ako makapag-hintay.

"Mom ginugutom ako.."

"Ay gan'on ba? O sandali hintayin mo na 'to. Patapos na."

Pagkasabi niya noon ay kumuha na ako ng tubig sa water dispenser t'saka ininom ito. Pinaghalo ko ang malamig at mainit na tubig kaya naging maligamgam. Umupo na rin ako at naghintay sa pagkain.

Kahit naman principal si mommy at engineer si daddy ay hindi pa rin kami kumuha ng katulong. Ayos naman kase kami at kaya namin. T'saka kami kami lang naman. Kapag nag-aaral ako, nasa trabaho naman ang parents ko kaya walang naiiwan dito. Iyong si kuya ko at ate ko ay nasa manila para mag-aral. Hindi na nga nakaka-uwi rito e. Buti pa sina Creston, kahit sa manila pa ay nakaka-uwi naman pa-minsan minsan. Ngayon yata ay araw-araw na. Ang pagod naman no'n.

Graduating na si ate, si kuya naman ay second year high school pa lang. Kumuha nang medicine si ate at architecture si kuya. Ako naman ay walang plano sa buhay. Pinili ko lang iyong STEM dahil type ko ang uniporme nila. Kapag kinuha mo iyon, mataas tingin ng mga estudyante sa'yo. Parang talino raw, gan'on, aba dapat lang! Puro biology, chemistry, physics at calculus ang pinag-a-aralan namin at naloloka na ako. Nagsisisi tuloy ako.

Ngayon ay wala pa akong maisip na kursong kukunin sa college. Mag-engineering nalang din kaya ako para sundan si papa? Tapos partner kami ni kuya? Or ni..

Luh Shan? Luh!

Pinag-ready na ako ni mommy ng kakainin nang matapos siya. Agad ko naman kinain 'yun at naubos kahit wala akong panlasa. Gutom na gutom ako e.

"Mukhang close na talaga kayo ni Creston, ano?"

Hindi ako nagsalita.

"Nakikita kita dati, wala ka namang kasama. Hindi mo nga sila halos kinakausap. Gusto tuloy kitang ibalik sa dati nating church. Pero ngayon ay okay na ano? Sumobra pa yata. Naku! Ang bait talaga ng batang 'yan. Hulog ng Diyos." Ngumiti siya pati na rin ako.

Pati ako ay hindi makapaniwala. Hindi ko akalain na ang close close na namin. 'Diba? Biruin mo sa lahat ng p'wedeng maging kaibigan, bakit siya pa?

Kung 'di siya marunong sa keyboard? Magiging close kaya kami?

Kahit naman lagi siyang naawa sa akin, hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya at naging malapit siya sa akin. Sobrang thankful pa ako dahil masaya na talaga ako sa church.

I mean masaya naman ako sa church dati ngunit dumoble ito.

Pagkatapos ko ay kumain na ako ng prutas. Bumigat tuloy ang aking t'yan. At heto na naman tayo.. agad akong dumiretso sa sink at sinuka ang mga kinain ko.

We Shouldn't Be (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon