CHAPTER TWELVE

21 7 56
                                    


"Hey, wake up." A manly voice whispered in my ear. Inaantok pa ako dahil anong oras na ako natulog kagabi. Kung ano-ano kasi pinagsesend ni Chynna kagabi. 

I took the pillow beside me and covered my face. Akala ko ay tumigil na iyong nangigising sa akin kaya napatili na lang ako ng bigla akong binuhat ng kung sino man siya.

Napatigil ako sa pagtili at agad na tinakpan ang bibig ko ng dalawang kamay ko ng makita kung sino iyong bumuhat sa akin, si Azhel my loves.

Gagu, hindi pa ko naliligo! Sure ako mabaho na ako ngayon tapos buhat niya pa ako. Paano na lang kapag naamoy niya ako at ma turn-off siya sa akin?

With the thought, nagsimula akong magpumiglas sa hawak niya.

"Let go of me!" I yelled. But I didn't mean to raise my voice to him. I just want to freshen up before I face him. Pagkatapos noon kahit magdamag niya pa akong buhatin ay ayos lang atleast mabango na ko noon.

"Ahhhhh!" Sinubukan ko pang kumapit sa leeg niya o kaya naman sa damit niya ngunit nabigo ako. Tuluyan na akong nahulog sa sahig.

Mabilis kong sinapo ang pwetan ko at hinimas-himas yon dahil sa sakit. I glared at Azhel who's laughing at me. I want to shout at him because of what he did but I'm to mesmerized on how beautiful his laughed is. 

Sumisingkit ang maliit niyang mga mata kapag tumatawa siya, lumalabas ang maputi at pantay patay niyang ngipin. Parang nakalimutan ko nga bigla iyong sakit na nararamdaman ko dahil sa pagkahulog.

"Just pfftt... Pumunta ka na lang sa court hahaha." Natatawa pa rin siyang lumabas ng kwarto namin.

Naiwan naman akong tulala na nakasalampak sa sahig. Hindi naman siguro ako nananaginip diba? Shit. Ang pogi ni Azhel tumawa, lahat na lang pogi siya. May mga times ba na panget iyang si Azhel kasi feeling pogi lang siya lagi eh.

Tumayo na ako at kinuha ang cellphone ko. Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng hapon. Gagu kasi iyong si Chynna! Nagsesend ng mga bold ay—este hentai sa gc kaya ayon hindi ko mapigilan ang sarili kong 'wag panoorin. 

Inaantok pa akong naligo at nag ayos ng sarili ko. I just wore a v-neck shirt that I tucked in into my black skirt.

Nag iinat-inat pa ako habang pababa ako ng hagdan. Ang sakit kasi talaga ng katawan ko dahil masyado niya akong pinagod. Okay lang sana kung sa ibang bagay ako napagod,charot. Grabe naman kasi magturo 'tong si Azhel, mas grabe pa sa terror teacher ko.

Pagkababa ko ay dumeretso na agad ako sa court kahit gutom na gutom na ako. Kahapon ay nakailang subo lang ako ng pagkain tapos ngayon alaws na naman akong kain. I'm really hungry and I want to eat but Azhel might get mad at me again so I'll just go straight there. Sana lang ay huwag umatake iyong ulcer ko ngayon.

Isabay mo pa na kinakabahan talaga ako ngayon kasi ito na iyong araw ng deal nila ni Jewel. Medyo binago ng konti ni Jewel iyong deal nila base sa nakita niyang performance ko sa tennis. Sabi niya kahit maitira ko lang pabalik ng isang beses iyong bola sa kanila ay panalo na daw kami.

I picked up a racket that was on the bench. Napangiwi ako ng sinubukan kong i-swing iyon kaya lang sa sobrang sakit ng balikat ko ay nabitawan ko lang ito. Damn it!

Pasimple kong hinawakan ang balikat ko at minasahe iyon ng konti. Grabe naman kasi iyong mga pinagawa sa akin ni Azhel eh. Hindi man lang ako nakapag stretching dahil sinungitan niya ako kaagad tapos idagdag mo pa na sobrang nabigla iyong katawan ko sa pinaggagawa namin. Hindi kasi ako nag e-exercise kaya sobrang stiff ng katawan ko tapos may nangyari la kagabi. Masakit din yung paa ko sa palaging paghabol sa bola.

"Let's go." I stopped massaging my shoulder. Gulat na gulat na humarap ako kay Azhel na nasa likuran ko lang pala. He's already wearing his tennis attire.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang