CHAPTER ONE

72 57 145
                                    

A/N
Hehe gusto ko lang magpasalamat kay___(ayaw ng friend ko magpakilala. Famous ka teh?) Sya po tumulong sakin isulat yung chapter na toh hehe. Wag kang mog comment beh ah alam ko kasing mumurahin mo ko kasi ayaw po nya mag pa-credits sa sinulat nya. Hehe lab you bhie pero di tayo talo. HAHHAHA.

ASHLEY'S POV

Maaga na akong gumising ngayon at baka mag reklamo na naman si Nhyzha sa akin dahil sobrang maattitude raw noong aso ko. Ayaw daw makipaglaro sa kaniya kaya nabuburyo na siya sa baba kakahintay sa akin.

I just look my self in the mirror for the last time. I’m wearing a plain black, oversized shirt with pants and paired it with white sneakers.

Mabilis na akong bumaba at nakita ko pa roon si Nhyzha na nakikipaglaro kay Collie ngunit tumigil din nang hindi siya pansinin ng aso ko.

"Tara na boi." Aya ko sa kaniya pagkababa ko.

"Hindi tayo nag-usap niyan boi ah."

Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Napatingin ako sa damit niya dahil sa sinabi niya. Kaya naman pala...

She's also wearing just like mine. I just shrugged before we left the house. Sumakay lang kami ng jeep papuntang school.

Napasapo na lang ako sa noo ko pagdating namin sa may harapan ng school.

Oh.. Shit. I forgot my school id!

Agad kong hinila si Nhyzha sa isang tabi at sinabi sa kaniya ang problema ko.

"Ganito boi.... Pag pumasok na ako tawagin mo ako tapos sabihin mo nasa bag ko 'yong id mo. Para mapasa ko sa iyo 'yong id ko." Paliwanag niya sa akin na agad ko namang sinang-ayunan.

Tamad kasi 'yong guard dito kaya kapag nakita niya na may suot ka na id, diretso pasok ka na. Hindi na niya chinecheck kung id mo ba talaga iyon o hindi. Minsan nga kahit 'yong lace lang ang nakasabit ay pinapapasok niya.

Hopefully, our plan was successful so after we passed the guard, we immediately went to our classroom.

Magkakaiba na kasi kami ng school na pinasukan pagkagraduate namin. Tanging ako, si Nhyzha, si Kitchie, si Danica lang ang napiling sa pambublikong kolehiyo nalang mag aral. The rest of my 'pepel' squad sa private na nag-aral.

Gusto nga sana naming sa iisang school lang kami pero s'yempre may gusto ring school yung magulang nila para sa kanila kaya doon sila mag aaral, s'yempre magulang naman nila gagastos eh.

Kanina pa nandito yung prof namin ngunit hindi pa rin kami nagsisimulang mag lesson. Para kasing nasira pa 'yong projector niya.

"Meron bang may alam sa inyo kung paano mag-ayos ng projector?" Tanong niya sa klase pero ni isa wala man lang sumagot na may alam sila.

Napatingin naman ako sa katabi ko na may kinakain na biscuits. She immediately handed me one kaya nagtaka naman ako but when she kept on handling me her biscuit I have no choice but to accept it.

"Kainin mo na habang may problema pa 'yong prof natin" Pagkatapos ay maliit siyang tumawa.

"Thanks.." I smiled at her.

Pagkatapos ay agad kong binuksan at kinain yung biscuit.

Napatigil ako sa pagkain nang may nakita akong susi sa ilalim ng desk ko. Agad ko iyong pinulot at tinignan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong meron pa itong nakasabit na keychain. Napangiti ako nang makita ko ang design ng keychain.

Si Shoto Todoroki! Bakit nandito ang asawa ko? Ang cute naman.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now