CHAPTER FIVE

27 11 148
                                    

This chapter is dedicated to yamete_senpaiiii. Thank you sa pagbasa ng mga stories ko po.

———

Nasabunot ko na lang ang sariling buhok ko pagkaalis ni Azhel sa bahay. Shet na malutong! Bakit ba kasi naisip ko pa iyong kalokohan na iyon? Kakasama ko 'to manood ng mga prank kasama sila Chynna e.

What if Azhel gets mad at me again? Oh shit! Oh shit talaga! Ang hirap na nga kausapin noon e, paano pa kaya kapag galit siya sa akin? Edi hindi na ako tuluyang kinausap noon.

Send help naman d'yan...

"Aray!" daing ko sabay tingin sa sumabunot ng malakas sa akin, si kuya pala. Bigla bigla na lang kasi nananambunot ng buhok! Ang lakas pa ng pagkakahila niya, akala ko nga matatanggal na anit ko e.

"Bakit ba nananabunot ka?!" I shouted at him, annoyed.

"Kanina ka pa sabunot ng sabunot d'yan sa buhok mo e. Sobrang hina ng paghila mo kaya tinulungan na kita. Haha!" Humagalpak siya ng tawa.

I pouted. Bwiset talaga itong si Kuya kahit kelan e.

Pagkatapos naming kumain at maghugas ng mga plato ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Naka ilang lipat na ata ako ng pwesto dito sa kama, alaws pa rin.

I'm still not sleepy because I kept thinking about what I did earlier. Huhu sana hindi galit sa akin si Azhel bukas.

Agad akong napabalikwas ng bangon sa kama ko ng may kung sinong hinayupak ang nagbuhos ng tubig sa mukha ko.

Masama kong tinignan si Nhyzha na tawa ng tawa dahil sa naging reaksyon ko. Saksak ko sa iyo 'yang bote.

I sigh of relief when I saw that my bed is not wet. Baka kasi kapag nagkataong nabasa niya talaga ito ay ipalaba pa sa akin ni mama. Huhu no way!

"Gaga ka, kung 'di pa kita pinuntahan 'di ka pa gigising. Hala sige, bumangon ka na d'yan malelate na oyat. Gaga ka talaga!" She said then walk out of my room. Ang aga aga ang unit ng ulo.

I get up and entered the bathroom to do my daily routine. I looked at my self in the mirror while fixing my eyebrows when the door opened.

"Ano bayan! Magkikilay ka pa lang?" iritableng sabi niya sakin. Meron siguro 'to? Ang init ng ulo kanina pa e.

"Bakit? Anong problema kung magkikilay ako? Lagi ko naman 'to ginagawa, hindi ka pa nasanay"

"Halos isang oras ka kasi kung magkilay. Tignan mo—" Itinuro niya ang wallclock kong nakasabit sa itaas lang ng bintana. "—late na oyat!" Sigaw niya kaya nakanguso kong tinapos ang pagkikilay ko.

Naglagay nalang din ako ng kaunting liptint at powder sa aking mukha.

I just looked at my self in the mirror for the last time. I'm wearing our P.E uniform. May gagawin ata kami sa school mamaya kaya pinag P.E kami.

"Let's go." Aya ko.

Nakarating naman kami ng matiwasay sa school kaya nga lang late kami ng mga one minute. Hehe.

Then I remembered something after I sat down. Hindi ko pala kaklase si Azhel ngayon. Bakit kasi may Wednesday pa? Hindi ko tuloy katabi yung behbeh ko kaso naisip ko galit pala siya sa akin.

Paano na iyong lovelife ko nito? Huhu.

"Okay class, hahatiin ko kayo sa dalawang group. Ang grupong mananalo...." pabiting sabi ng prof namin sa P.E. "May price sa aking skin sa ml." Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni Prof May.

Madalas kasi ay puro mga activity sheets lang iyong mga sinasagutan namin, minsan lang din kami magklase dahil nalulong na sa ML ang prof namin. Hindi nga napunta sa classroom namin 'yang si Prof May dahil busy daw siya sa mga ganito, ganyan pero kapag pinuntahan naman sa office niya ay naglalaro lang naman pala ng ML. Tsk. Ampota.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now