CHAPTER TWO

50 15 169
                                    

Kinabukasan ay nagising na lamang ako nang may maramdaman akong parang may basang dumadaloy sa aking mukha.

I slowly opened my eyes and saw Collie peeing on my face. Inilayo ko agad ang aking mukha at saka mabilis na bumangon.

"Putek! Ba't mo inihian  mukha ko, Collie..." Inis na sabi ko kay Collie. Paano kasi ay basang basa ang mukha ko. Shit. Kadiri, ginawang banyo pa ang mukha ko!

Napapitlag ako nang bigla akong tinahulan nito. Aba. Ang asong ito... Siya pa ata ang galit? Attitude siya ah.

Kaya ang ginawa ko ay kinarga ko nalang ito at saka ibinaba sa aking kama dahil baka maisipan niyang sa mukha ko na rin tumae. Siraulo pa naman itong aso na 'to.

Saglit naman akong napatingin sa bukas na bintana sa aking k'warto dahil sa liwanag galing sa labas.

Ha? Wait a minute...

Napatayo ako bigla sa aking kama at kinuha ang aking cellphone. Halos mapasigaw ako nang makita ko kung anong oras na sa aking cellphone.

Shutaness! May pasok pa pala ako at late na ako!

I immediately grabbed a towel and ran to the comfort room for a quick bath. I wore my striped shirt and high waisted jeans paired together with my white sneakers.

Hinayaan ko na lang na nakalugay ang aking buhok saka ko kinuha ang aking bag. Pagkababa ko ay naabutan ko pang nakain sila Mama at Kuya roon sa may kusina.

"Ma! Ba't naman hindi mo ako ginising? Late na tuloy ako ngayon.." Singhal ko saka mabilis akong dumakot ng tinapay at sinubo agad ito.

"E.. Bakit hindi ka nag-alarm ng iyong cellphone? Bakit parang kasalanan ko?" Sumbat sa akin ni Mama.

Nag-alarm naman ako kagabi bago ako natulog! Hindi ko siguro narinig dahil tulog na tulog ako. Paano kasi ay napuyat ako kagabi ng dahil doon sa pamb-block sa akin ni Azhel!

"Yan kasi. Cellphone pa more... Puyat pa more..." He said as he teased me. I just rolled my eyes at him.

Epal nanaman 'to, hindi naman kasali.

Dahil alam kong aasarin lang ako niyang kupal na kuya ko, mas mabuti nang umalis na ako. Tinakbo ko agad papuntang sakayan ng jeep at himala dahil may nasakyan agad ako.

Pagkadating ko ng school ay hingal na hingal ako. Pinagpapawisan na rin ako kaya kinuha ko ang panyo ko at nagpunas saglit.

Nilakad ko nalang papunta sa classroom ko, sumilip pa muna ako sa pintuan kung may prof na ba o wala. Ang malas ko lang dahil mayroon nga sa loob.

Kaya nag ala ninja ako papasok ng classroom, buti nalang ay hindi ako nakita ng prof namin. Pasimple kong tinabihan sila Nhyzha at Kitchie na gulat na gulat pa sa aking pagtabi.

"Bitch, bakit ngayon ka lang?" Bulong agad sa akin ni Kitchie.

"Gagu boi, akala namin absent ka na, hayp ka" Bulong din ni Nhyzha at mahina pa niya akong sinapak sa braso.

"Hindi tumunog 'yong alarm clock ko..."

Natawa sila nang mahina sa sagot ko. They didn't ask any more questions so we just listened to the our prof in front.

Pagsapit ng breaktime ay sabay sabay kaming pumuntang tatlo sa may canteen. Umupo qgad kami roon sa may bakanteng upuan.

Si Nhyzha ang nag-order ng mga kakainin namin kaya kaming dalawa na lang ni Kitchie ang naiwan sa lamesa.

"Bitch, ano na? Ina-accept ka ba ni Azhel Artazostre? Tangina. Ako hindi pa e.." Excited na tanong ni Kitchie sa akin.

"Hindi nga e.. Blinock pa nga ako, bitch"

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now