CHAPTER SEVEN

18 7 50
                                    


A/N

Sorry for the long update.  Hehe binasa ko pa kasi yung LWL tapos na ulanan pa ko nung isang araw kaya ayun boom trangkaso. Btw,this chapter is dedicated to mnixxi and hotuser08.

———

"Kingina mo talaga Ashley! Buset ka!" She cursed. Natatawang pinapakinggan ko na lang ang mga paulit-ulit na reklamo ni Nhyzha sa akin. "Kung alam ko lang talaga, 'di na lang ako pumunta sa bahay niyo hayp ka! Naging alalay mo pa ako pisti!"

Maaga ko kasing pinapunta rito si Nhyzha sa bahay namin para may tumulong sa aking maglakad papasok sa school, my foot still hurts a bit and I can't really walk properly.

I texted her at pinapunta dito dahil saktong may tira pang mac and cheese rito at alam kong hindi siya tatanggi dahil may pagkain.

Hinayaan ko na siyang ubusin iyon bago ko sinabi ang dahilan kung bakit ko siya pinapunta rito, kahit gustuhin man niyang tumanggi ay hindi niya magawa dahil naubos niya na iyong pagkaing binigay ko.

Agad na kaming umupo at nakinig sa klase pagkadating namin sa school. Tatlong subject lang naman meron kami kaya maaga kaming makakauwi ngayon.

Kakatapos lang ng ikalawang subject namin at break time na muna. Tipon-tipon kami ngayon nila Danica sa canteen para....syempre kumain at maki chika chika ng mga things. You know.

"Hoy, Mga gaga! Wahh!" Parang naiiyak pang sabi ni Kitchie sa amin with matching sabunot pa sa buhok niya. Akala mo naman maganda siya diyan.

"Nabalitaan niyo na ba? Huhu." Sabay ata kaming nag-ilingan nila Chynna sa tanong niya.

"May bagong classmate sila Azhel na babae! Tangina, tapos ang ganda pa raw noon! Hayp na ‘yan!"

Agad akong napatayo sa inuupuan ko dahil sa sinabi niya at hinawakan ang magkabilang balikat ni Kitchie sabay yugyog sa kaniya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Syempre ngayon ko lang din nalaman bobo ka ba?" She said sarcastically.

Hays bwiset. Kinuha ko na agad ang gamit ko at inaya silang pumunta sa classroom nila Azhel.

"O-oy dahan dahan naman kayo maglakad!" Sigaw sa amin ni Danica. Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya dahil mukhang hindi siya mapakali habang naglalakad.

Pero wala talaga akong oras sa para sa kaniya kaya hindi ko na lang siya uli pinansin at nagdirediretso na muli sa paglakad. Agad kaming nagtago sa gilid ng pinto nang marating namin ang pinaka classroom ng mga med student dito sa school.

Sinuyod ko ng tingin ang buong classroom ngunit hindi ko makita si Azhel pati na rin iyong babaeng sinasabi nila. Puro lalaki lang kasi ang nandoon.

"Guys... Ano ba ginagawa natin d-dito." Inis naman akong napatingin kay Danica dahil ang lakas ng boses niya. Ang putla putla na niya at tagaktak na ang pawis niya sa noo. Panay hawak din siya sa braso niya.

Problema niya? May sakit ba ‘to?

"Wahh... Bakit magkasama sila ni Azhel!" Atungal ni Kitchie kaya agad ko iyong tiningnan.

Nakita kong nagkukwentuhan sila ni Azhel at noong babae doon sa may pinaka dulong bahagi ng room na iyon. Hindi naman nakangiti si Azhel pero shet bakit niya kinakausap iyong babaeng iyon.

"Shit! Matagal pa ba tayo dito?"

"Ba't ba ang ingay ingay mo naman Danica?" Inis na sabi ko sa kaniya. Hindi ko na talaga mapigilan e, ang ingay niya. Alam naman niyang binabantayan ko iyong bebe ko e.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now