CHAPTER FOUR

28 13 148
                                    


"Hoy, mukhang tanga ka d’yan Ash. Kanina ka pa nakangiti."

I just smiled at Nhyzha. I’m just so happy! Because Azhel accepted my friend request on Facebook. He also unblock me too. Hehe.

Ni-chat ko nga iyon kagabi e kaso sineen lang ako. Seener ang hayop pero okay na iyon akala ko nga i-bblock uli ako e.

We suddenly stop walking dahil humarang sa amin si Liam, iyong poging basketball player sa school namin. Narinig ko pang tumili si Kitchie sa gilid ko. Okay. He’s handsome but Azhel is more handsome than him! Hihi.

Nakatingin lang siya sami- ay wait kay Nhyzha pala siya nakatingin ngunit hindi iyon napapansin ni Nhyzha dahil naglalaro siya ng candy crush sa phone niya kaya siniko ko sya.

Nag-angat naman siya ng tingin sa akin kaya tinuro ko gamit ang nguso ko si Liam na nasa harap namin. Kunot noo naman niya itong tinignan saglit tapos ay bumalik din sa paglalaro.

I slowly shake my head because of what Nhyzha did. Paano magkakajowa ‘to kung laging ganiyan ang ugali niya?

I immediately grabbed the phone from her.

"What?" She said, annoyed. Habang pilit pa ring inaabot iyong phone niya kaya binigay ko iyon kay Kitchie.

"Harapin mo naman iyang si Liam boi. Grasya na ang lumalapit sa iyo boi, wag mo na tanggihan." Mahinang bulong ko sa kanya.

“Oo nga nesh. Tignan mo fafables din ‘yan bitch.” Rinig kong bulong din ni Kitchie sa kaniya.

Hindi naman talaga lugi si Nhyzha kay Liam e. Pogi, matangkad, sexy, hot, at higit sa lahat may abs plus basketball player pa. Saan ka pa? kay Azhel pa rin ako. Haha.

Alam kong hindi niya ko papakinggan kaya tinakot ko na siya para naman mapansin niya si Liam. "I-didisconnect ko iyong ml mo sa fb tapos de-delete ko." Her lips parted because of what I had said.

Saglit siyang natahimik kaya akala ko ay pumayag na siya kausapin si Liam pero mali ako.

"SI AZHEL OH!" Sigaw niyang bigla sabay turo sa gilid namin kaya agad akong lumingon doon at hinanap si Azhel.

"Asan?!" Halos maduling na nga ako sa kakatingin sa mga estudyanteng nandoon ngunit hindi ko makita si Azhel baby ko.

"Wala naman dun s-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil wala na sa harap ko si Nhyzha.

Pota. Naloko ako ni Nhyzha.

I awkwardly smiled at Liam before I grab Kitchie's hand to run. Hindi pa man ganoon kalayo ang natatakbo namin ay agad akong napahinto sa pagtakbo pero si Kitchie dirediretso lang siya. Hindi ako huminto hindi dahil sa napagod ako kundi dahil sa taong makakasalubong ko.

Ang supladong mukha niya at medyo magulong buhok ay talagang bumabagay sa kaniya. Nakasuot lamang siya ng simpleng black t-shirt at jeans. Napansin ko ring nakasalpak ang airpod sa kaniyang tainga.

Agad kong inayos yung sabog sabog kong buhok. I quickly opened my bag and took my powder and liptint. I apply the powder on my face then some liptint on my lips.

"Hi, Azhel..." I smiled at him as I greeted him. I don’t know if he heard me or not pero inirapan nya lang ako bago nya ako nilagpasan.

Nakangusong tinignan ko siya bago ako patakbong lumapit ulit sa kaniya sabay angkla ng kamay ko sa braso niya.

I gave him my most beautiful smile when he glared at me. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakaangkla sa braso niya tsaka niya iyon tinanggal at naglakad ng mabilis palayo sa akin.

Ay. Ang atichoda naman! Parang hindi hinawakan at hinila ako kahapon ah. Asows Azhel...

Maaga akong pumunta roon sa may next class namin. Iyon ang class na magclassmate kami ni Azhel. Ako lang ang mag-isa na pumunta roon dahil may gagawin lang daw sila saglit nila Kitchie at Nhyzha.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now