CHAPTER SIX

28 12 147
                                    


This chapter is dedicated to waxsn321 salamat sa pag aabang lagi ng ng mga ud and thank you for reading my stories.

———

"Anong ginagawa ng babaeng 'yan sa pamamahay ko?"

Agad naman akong napatayo nang diretso sa inuupuan ko. Shit. Ang sungit ng momshie ni Azhel bhiebhie ko. Ang sama sama pa talaga ng tingin niya sakin.

"Mom!" I glanced at Azhel and saw how his eyes widened. His lips formed a smiled.

Shit! Ang pogi pala ni Azhel kapag nakangiti, mas nakakainlab. Ackkk.

Agad siyang tumayo at tumakbo sa mama niya sabay niyakap niya ito. Para siyang bata kung makatakbo sa mama niya e.

Ang cute niya.

Sana gan'yan din siya sa akin pag nakikita niya ako. Hope all.

"I miss you, mom" I heared Azhel said. Saka hinigpitan ang yakap sa 'mom' niya.

Mygash mama's boy pala si Azhel ko. Nakakaturn on lalo shet. Gusto ko pa naman iyong mga lalaking malapit sa mama nila.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila. Titig na titig ako sa mama niya dahil ang ganda talaga ng mama niya.

Ang ganda pa niya pumorma't bagay na bagay sa kaniya. Napansin ko rin ang mga kumikinang na mga alahas niya. Wow!

Natigil lang ang pagtitig ko ng biglang tumingin sa akin iyong mama ni Azhel. Napatayo tuloy ako nang maayos.

"Who's that girl?" Masama ang tingin niya sa akin habang tinatanong si....sino ba tinatanong niya? Ako ba ang sasagot?

"Ahmm...ak-"

"I'm not asking you." Naitikom ko naman agad ang bibig ko. Shet. Ang sungit naman ni future mudrakel in law ko. Manang mana si Azhel sa kaniya.

"She's just my classmate, mom and were doing some activity." Nakayakap pa ring sabi ni Azhel.

Tangina, 'di ko alam na koala pala itong si Azhel. Grabe makayakap? Miss na miss?

"Okay."

I pouted. Okay daw pero ang sama pa rin ng tingin sa akin.

"I'll just rest upstair, okay? But if you're gutom na you can call me so that I can luto you something, okay baby Azhel ko?" Her mom sweetly said.

Pigil na pigil ko ang sarili kong 'wag matawa sa sinabi ng mama niya. Alam ko na kung bakit conyo 'tong si Azhel kasi conyo rin pala iyong mama niya.

Tapos mukhang nahihiya pa si Azhel na tumingin sa akin dahil tinawag siya ng mama niyang baby. Cute mo Azhel.

Soon, ako naman ang tatawag sa iyo ng baby. Rawr.

Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa paggawa noong model namin. Nang natapos namin iyon ay maganda naman ang kinalabasan. S'yempre, idea ni Azhel e.

Nakaupo ako habang si Azhel naman ay nakatayo habang nililigpit na namin iyong mga kalat namin nang makaramdam ako ng gutom.

"Nagugutom ako, Azhel. Pacanton ka naman d'yan..." Malungkot kong sabi.

Nagugutom na talaga ko, paano kasi ay juice lang inalok niya sa akin. Ay wow, kapal ng mukha talaga self.

"What the fuck?" Gulat niyang sabi habang nanlalaki ang mga mata niya sa akin.

"What? Huwag mong sabihing hindi ka pa nagpapacanton?" Gulat ko ring sabi sa kaniya.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)Where stories live. Discover now