CHAPTER ELEVEN

19 7 62
                                    

A/N
Kung mali po yung explanation ko dun sa tennis feel free to correct me po.

———

Nagkaniya kaniya na kami ng upo pagkapasok namin sa resthouse nila coach Henry. Sobrang lawak ng bahay nila, mas malawak pa sa bahay namin. It's a two story house. Walang masyadong mga gamit dito dahil siguro ay minsan lang din nilang puntahan kaya hindi na masyadong nag-abalang maglagay ng gamit.

Iyong mga kailangan lang ang mga nilagay nila katulad ng sofa, table, chairs, mga appliances and mga gamit sa kusina. Sama mo na rin siguro iyong mga kwarto.

Todo siksik ako kay Azhel kahit na sobrang lawak pa ng space sa sofa. Kaya masama na naman ang tingin niya sa akin. Well, lagi naman.

"Can you urong nga?" Iritadong sabi niya. Ngunit imbes na sundin siya ay mas lalo ko lang siyang siniksik ng siniksik.

Ang bango bango niya kasi, nakaaadik men. Kahit siguro ipagdikit kaming dalawa ay hindi ako magrereklamo.

"Guys, meron lang kasi kaming eight rooms dito. Bale ay maghahati kayo sa seven rooms and na kay Jewel ang listahan ng magkakasama sa loob ng rooms. Maiwan ko na muna kayo at maghahanda lang kami ng meryenda." Sabi ni coach Henry at nagtungo na sa kusina para tulungan ang asawa niya magluto.

Umayos na ako ng upo at nag ready na, I really want to sleep because I got tired carrying all my things on my own earlier. Hindi man lang kasi ako tinulungan ng isa d'yan.

Sinabi na ni Jewel ang mga magkakasama sa room at kami nalang apat ang natitira. Ayoko pa namang makasama iyong Ericka na iyon sa isang kwarto dahil baka masaksak ko lang iyon dahil sa kaartehan at pagkalandi.

"Ako at si Ericka tapos kayong dalawa ni Azhel,Ashley." Nakangising sabi ni Jewel sabay kindat sa akin.

What? Omygash namern! Kasama ko sa kwarto si Azhel! Ano kaya gagawin namin mamaya sa kwarto. Hehe.

Edi s'yempre tutulog. Promise tulog lang.

"What?! No way!" Agad na nagreklamo si Ericka sa sinabi ni Jewel. "I want to be with Azhel, not with you. Mas deserve kong makatabi si Azhel sa kwarto."

Deserve deserve pa siyang nalalaman, sabunutan ko siya diyan eh. Feeling jowa naman 'tong hayop na 'to.

"Oh." Napatingin naman ako kay Azhel at sa kamay niya na hawak ang dalawang malaking bag niya. Kunot noo naman akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

'Anong gagawin ko dito?'

"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinabitbit sa akin ang dalawa niyang bag.

"Bitbitin mo." Utos niya saka siya umakyat ng hagdan. What the fuck?! Kung hindi lang talaga kita crush eh, tinapon ko na ‘tong bag mo.

"You!" I stopped walking when I heard Ericka shouted. Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ko tinuro ang sarili ko.

"Yes, you! Plinano mo ito ‘no?!" She accused me. Sumusobra na talaga itong Ericka na ‘to. Pigilan niyo ‘ko, hahambalusin ko ‘to.

"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko nalang. I started walking upstairs to our room.

Agad kong nabitawan iyong mga bag na dala ko pagkapasok ko ng kwarto namin. Hindi ko sila nabitawan dahil sa bigat at pagod, kung hindi dahil sa nakita ko. Azhel was lying on the bed and he’s topless! Ang tanging suot niya lang ay iyong itim na pantalon niya.

Parang kinapos ako ng hininga sa nakikita ko ngayon. Even though I was far away from him, I could still see his six pack abs from here, his toned chest, as well as his muscles in both arms.

LOVING YOU (PEPEL SERIES#2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें