Spongebob

22 15 4
                                    

ⓞⓝⓔⓢⓗⓞⓣ

Shout nga pala kay Mr. Emmanuel Jaboneta Thank you for letting me use your name in this one shot story. I hope you appreciate it.😊

: Spongebob

Sabi nila kapag nagmahal ka marami kang matututunan.
Matututunan mo daw kung paano maging matiyaga,
Matututo kang maging kontento sa kung ano lang ang kayang ibigay ng taong mahal mo.
Matututo kang magpasensiya.
Matututunan mo kung paano maging masaya sa munting bagay lang na ginagawa ng taong mahal mo.
At higit sa lahat matututunan mo kung paano magmahal ng totoo at kasabay nun malalaman at mararamdaman mo din kung paano masaktan.

Medyo magulo no? Minsan ang hirap pa unawin, bakit nga ba palaging kakambal ni happiness si sadness?

But anyway above all that learnings one is for sure, Love really moves in a mysterious ways. At napatunayan ko yun ng makilala ko Si Mika.
The most beautiful, sweetest, jolly and Childish girl who's inlove with spongebob.
Wala atang araw mula ng makilala ko siya na hindi niya ipinangalandakan kung gaano niya kamahal si spongebob.
Minsan nakaka selos na.

She's no ordinary girl, sa katunayan marami ang kumwestiyon sa akin ng matutunan ko siyang mahalin.
But what can I do even I, myself doesn't really know why.
All I know is that I am so in love with her.

" Emmanuel Jaboneta, are you really sure with your decision "

Tanong sa akin ni Harold, bestfriend ko.

"Kailangan talaga complete name pre?"

Nangingiti kong tanong, napangiti din siya.

"Well, para mas dama mo lang. Alam mo naman hindi biro yang decision na gagawin mo."

" I've never been this so sure in my whole life ngayon lang bro. I want her to stay with me as long as I breath"

Nakangiti kong sabi habang nakatingin kay Mika na masayang nakangiti habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

" If that's your decision then, I'll support you. Goodluck pre, I know you need it"

Nakangiti niyang anya, napatango-tango naman ako.

"Thanks pre."

Ani ko na nilingon siya saglit bago muling ibinalik ang tingin kay Mika.

Humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga tsaka nagsimulang maglakad palapit sa kanya.

I'm really nervous. Yun ang totoo.

Kahit ang totoo ilan beses ko ng pinag practisan to, I still feel very nervous and can't stop from thinking the worst but still hoping for the positive result.

" Hi Baby!"

Nakangiti kong tawag ng makalapit, saglit naman siyang natigilan.
Her light brown eyes roam from my head down to my feet and from my feet up to my face at habang ginagawa niya yun, pigil-pigil ko ang hininga ko.

Then her eyes settle on my eyes and a smile encrypted on her lips tsaka siya tumayo at lumapit para yakapin ako.
I hug her back. Ah it really feels so good to be hug by her.

"I missed you!"

Anya na naging sanhi para mapangiti ako ng malapad. 

" I love you! "

Sabi ko then tighten my grip. Ilang minuto din kaming nanatili sa ganoong ayos tyaka kami nagbitaw. Iginiya ko siya paupo sa kung saan siya nakaupo kanina.

" Say Hi to them"

Tukoy niya sa mga kaibigan niyang walang kamuwang-muwang.
I smile at them and say

"Hi Mika's friend, how are you guys?"

She happily clap her hands, kaya mas napangiti ako.

" Baby"

Agaw pansin ko sa kanya as she started talking back to her friends again.

"Mm?"

Lingon niya sa akin. Kaya inikot ko ang upuan niya paharap sa akin tsaka ako paluhod na naupo sa harap niya para magpantay ang mga mukha namin.

Then I grab her hand and look her straight in her eyes.

" Will you marry me?"

Seryoso kong sabi, hindi siya umimik bagkus ay nakatingin lang siya sa akin na para bang pilit niya pang iniintindi yung sinabi ko.

" Are you crazy?"

Maya-maya ay tanong niya sabay tawa.
Natahimik lang ako, that question really give a pang of hurt in my heart.

" All I want to marry is Spongebob!"

She added, while still laughing.
I give her a sad smile and bow my head, trying to hide the pain in my eyes.

'Tae, ang sakit! Alam ko namang posibleng mangyari to. I prepared for it, I prepared for the worst but damn! It feels like hell.

Nakakapanghina, pakiramdam ko someone steal my happiness, my life and I can't do anything to get it back.

'Tangna! Paano ko yun aagawin kay spongebob? How? '

Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko ang pagkulong nya ng  mukha ko sa mga palad niya para punasan ang mga luha ko.
She give me a sweet smile then kissed me on my forehead down to my eyes kaya napa pikit ako as my tears continue to pour.. She also kiss the tip of my nose and my two cheeks.

"Open your eyes please! "

Malambing niyang sabi. Kaa dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko  at nagtama ang paningin namin.

" Will you be my spongebob? "

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
Nginitian niya lang ako then she raise her left hand

" Where's my ring Spongebob? "

Sabi pa niya na nagpangiti na sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit tsaka ko dinukot sa bulsa ang singsing at agad na isinuot sa ring finger niya.
Nakangiti niyang tiningnan ang singsing sa daliri niya bago bumaling sa akin.

" I Love you Emman!"

Aniya, napailing nalang ako before I pull her towards me and claim Her Lips.

                                    @UniqueToh826📝

(Photo not mine cddto📷)

Collection Of  One shot  Stories Where stories live. Discover now