Manika (Part-Three)

36 23 11
                                    

ⓞⓝⓔⓢⓗⓞⓣ

: Manika📝
(PART THREE)

Muli akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kanya. Habang natutulog siya sa sofa, hindi na siya nakapunta pa sa kwarto niya matapos niyang umuwi ng lasing dalawang oras na ang nakalipas.



" I wanted to take care of you, but I can't "


Malungkot kong sabi.
Mula ng ilahad niya ang nararamdaman niya para sa akin isang linggo na ang nakaraan, mas lalong nag ibayo ang kagustuhan kong makagawa ng isang bagay para sa kanya. Pero kahit gaano ko pa kagusto wala pa din akong magawa para sa kanya.


" I wanted to touch your face, like you touch mine.

I want to brush my fingers on your hair, like you brush mine"


Sabi ko pa habang hindi hinihiwalay ang paningin sa kanya. I can stare him overnight pero ayaw ko namang sumakit ang likod at leeg niya dahil sa ayos ng pagkaka higa niya sa sofa. I wanted to wake him up at palipatin siya sa kwarto niya pero kahit anong pagsisikap kong ibuka ang bibig ko, I just can't.


Wala na talaga akong pag-asa hanggang ganito nalang talaga ata ako. Hanggang tingin, pangarap at imahinasiyon lang.

Muli akong napabuntong hininga, subrang kumikirot ang puso ko sa kaisipang wala talagang pag-asang magtagpo ang mundo niya at ang akin. Kahit pa pareho kami ng nararamdaman sa isat-isa.

Siguro nga kailangan ko nalang tanggapin ang lahat.
Na hanggang ganito lang ako, dapat ata makuntento at maging masaya nalang ako sa kaalamang tulad ko kakaiba din ang nararamdaman niya sa akin.


" I can make you a human "


Pakiramdam ko nanlaki ang mga mata ko ng may biglang lumitaw na babaeng maganda sa harap ko kung saan natabunan niya si Leo sa paningin ko.. Mapupungay ang mga mata niya at nakakasilaw ang liwanag na bumabalot sa kasuotan niya.


"A-anong ibig mong sabihin? sino ka? Do you hear me?"


Sunod-sunod kong tanong. Binigyan niya ako ng isang napaka-tamis na ngiti tsaka siya dahan-dahang tumango.


" para sa pangalawa mong katanungan, sabihin nalang naten na isa akong kaibigan na may kakayahang tuparin ang matagal mo ng kahilingan. At sa pangatlo mong katanungan, oo naririnig kita at nai-intindihan kita."



Gusto kong kumurap pero sa isip ko nalang yun nagawa.


" At bilang kasagutan sa una mong katanungan. May kakayayahan akong gawin kang tao na tulad niya"


Anyang gumilid upang maituro ang walang kamalay-malay na tulog na si Leo


" T-talaga?"


Napupuno ng kagalakan ang made in plastic kong puso.


"Uh-uh but tell me, what can you do that nobody else can?"


" I Love him so much that it made my plastic heart beats"


Buong puso kong sagot. Muli niya akong nginitian na nagpapikit sa akin dahil nabalot ng nakasisilaw na liwanag ang buong paligid.

Hindi ko alam kung ilang sandali akong nakapikit lang bago ko dahan-dahang iminulat ang mata ko.

Kakaiba ang nararamdaman ko sa buong katawan ko, Pakiramdam ko para akong namamanhid. Napayuko ako upang tingnan ang mga braso ko at hindi makapaniwala sa aking nakita.


Collection Of  One shot  Stories Where stories live. Discover now