Untitled

47 31 3
                                    

ⓞⓝⓔⓢⓗⓞⓣ

: 💬💭

"Mahal mo ba siya?"

Tanong ko sa kaibigan kong si Kyle.
Tumango naman siya

"Yun naman pala e, bakit di mo pa ligawan? Halata namang mahal ka din niya at malaki ang pag-asa mo sa kanya."

Napangiti naman siya.

"Alam ko. Alam kong mahal niya ako at alam din niyang mahal ko siya."

" So ibig bang sabihin niyan kayong dalawa na?"

Umiling siya.

"Nope."

"Akala ko ba alam niyo na kung anong nararamdaman niyo para sa isa't isa, ano pang pumipigil sa inyo?"

"Hindi naman pwerket mahal namin ang isa't isa, kailangang maging mag bf/gf na kami."

Anyang nilingon pa ako.

"Sometimes people decide to be just friends even if their feeling is mutual not because love is hard to sustain but because commitment complicates everything. "

Sabi pa niya. Tsaka ibinalik ang tingin kay Melai na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan niya.

"Sapat na para sa aming dalawa na alam naming nasa likod lang namin ang isa't isa."



                                    @UniqueToh826📝

Collection Of  One shot  Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon