13

268 21 7
                                    

Jenna's pov

Mababali na ata ang leeg ko sa pagpipigil na wag tingnan si Shin Cross na nasa harap ko. Nasa tabi ko naman si Miss Yanna na nakipapag-usap kay Charmy.

"Want some Miss?"alok ng katabi kong lalaki sa hawak niyang isang baso ng alak.

Ngumiti ako at kinuha iyon at nilagok para mawala tong kakaibang nararamdaman ko.

"Palaban"sabi nung lalaki at ngumiti sa akin.

Naguguluhan na tumingin ako sa kanya pero nakangiti pa din siya. Siguro kaibigan din ito ni Charmy at Shin Cross.

"I'm Dom, Dominic Vansel. And you are?"pagpapakilala niya.

"Let's talk about something relatable right now. Right Charmy and Dom"tawag pansin na ani ni Shin Cross.

Napatingin ako kay Shin Cross at nakita ko ang pagtalim ng tingin niya sa katabi kong si Dom.

"I'm still the Dom that you know Shin Cross. Wala naman nagbago sa akin"sabi ni Dom at lumingon sa akin.

Bakit ba siya tingin ng tingin?

"The playboy Dom"sabi ni Shin Cross at nakikipagtigisan ng tingin kay Dom.

"Actually that girl is my type. Ah she's your sister but I'm scared that I'll die"sabi niya.

Napairap kami ni Ateng ng sabay. Tama siya kapag si Ateng ang pagtritripan niya. Mamamatay siya sa kamay ni Sir Ranz. Masamang ginagalit ang taong yun.

Ang alam ko seloso talaga yun. Pagdating naman kay Ateng sobrang lambing.

"What's your name pretty lady?"tanong ni Dom sa akin.

"Don't answer him"sabi naman sa sakin ni Shin Cross.

"Bro why are you so mad? I'm not hitting on your sister now"sabi ni Dom at ngumiti.

Sa totoo lang gwapo si Dom. Maputi na medyo singkit. Halatang mayaman dahil puro mamahalin ang sout niya. Halata ding mayabang. Siguro kasi may maipagmamayabang naman.

"She is not my sister but-"

"Now now, calm down folks"sabat naman agad ni Charmy para pakalmahin ang dalawa.

"I think you are someone special to him"mahinang bulong ni Dom sa may tenga ko.

Hindi ako nagsalita at tumingin nalang sa plato na nasa harap ko. Ano pa bang ginagawa ko dito? Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Napapalibutan ako ng mga taong hindi ka-antas ng buhay ko.

"Stop pestering her"madiing sabi ni Shin Cross.

"She is not your girl right? Why are you acting jealous all of a sudden?"sabi ni Dom at ngumiti pa.

"Uuwi nalang ako"sabi ni Ateng at tumayo kaya tumayo na din ako.

"Guys! Kauuwi ko lang tapos ganito na kayo. Come on Dom!"sabi ni Charmy at kinausap si Ateng na umupo na ulit.

"I'm sorry Charmy"sabi ni Dom.

Mukhang sinsero naman ang pagkakasabi niya non dahil tumino na siya. Umiinom nalang siya sa tabi ko at hindi na ako tiningnan pa.

Napatingin naman ako kay Shin Cross at mahigpit ang hawak niya sa bote. Mababasag na niya ito. Nakita kong hinawakan ni Charmy ang kamay niya kaya napalingon siya sa babaeng katabi niya.

Umiwas ako ng tingin ng maramadaman ko nag pagkirot ng dibdib ko. Kahit saang anggulo ko tingnan bagay silang dalawa. Mayaman si Charmy at kayang ipakilala ni Shin Cross sa lahat ng tao.

Hindi katulad ko.

"You okay?"tanong ni Ateng sa akin.

Inabot niya sa akin ang isang hiwa ng cake na ako mismo ang gumawa kaya napangiti ako.

My Ways To YouWhere stories live. Discover now