10

239 15 0
                                    

Jenna's pov

"Ano?! Nagawa mo yun? Loka ka!"sabi sa akin ng kababata kong si Wena.

Galing pa siya sa Cebu at dumiretso agad sa pakikipagkita sa akin.

"Bakit ko naman di gagawin yun?"tukoy ko sa paghalik ko kay Shin Cross.

"Sikat na sikat pala tang boylet mo te! Nabasa ko sa magazine na siya ang bagong tagapagmana ng Seliva's"sabi niya at ininom ang milkshake niya.

"Kaya nga ayoko eh"sabi ko.

"Sana masaya ka sa desisyon mo pero halata namang hindi"sabi niya pa.

"Kamustang Cebu? Daghan gihapon ug gwapo?" (marami pa din bang gwapo?)

"Bigaon jud ka"sabi niya kaya natawa kaming pareho.

(Malandi ka talaga)

"Seryoso miss ko na si Lola ko. Yun lang ata nagmahal ng tunay sa akin eh"tukoy ko sa lola kong nasa Cebu din.

"Puntahan mo din kasi te"sabi niya at nagbuklat ulit sa magazine.

"Gwapo din tong doctor nato ah"sabay turo niya sa picture ni Doc Jershin na nasa magazine din kasunod ng pahina ni Shin Cross.

"Ay si Doc"sabi ko lang.

"Wow, casual ah kilala mo?"tanong niya.

"Oo iisang bahay kami eh"sabi ko at tumingin na sa labas nitong coffee shop.

"Ano?! Gaga ka di mo sinabi na sa langit ka pala nakatira!"sigaw niya.

"Sobra pa sa langit doon. Ang gagwapo ng mga tao don Wena lalo na si ano-"

"Si ano ha? Di mo masabi ang pangalan ano. Pagkatapos mong makipagchukchakan sa kanya-"tinampal ko siya sa braso kaya natigil siya sa pagsasalita.

"Gaga! Anong chukchakan eh nagkiss lang naman kami hindi ko sinuko ang perlas ano! Ano siya sinuswerte"sabi ko.

"Wow bes, kung ibang babae yun bibigay na pero ikaw infairness bumilib ako sayo ng slight"sabi niya.

Ngumiwi nalang ako at tumingin sa mga tao sa labas. Nakakabilib nga ba ang ginawa ko? Nakakabilib bang supilin ang damdamin ko. Kasi sa totoo lang gustong-gusto ko si Shin Cross.

"Hala! Jenna bilisan mo tingnan mo to!"halos hindi na magkamayaw sa pagtawag sa atensyon ko si Wena at inabot sa akin ang celphone niya.

Seliva's Heir Shin Cross Seliva is dating the daughter of Samuel Chen?
Someone saw them yesterday holding hands in a private club near-

"Ilayo mo sa akin yan ayoko basahin"sabi ko at inabot ko sa kanya ang celphone niya.

"Girl ano yun? Yun yung araw na magkasama kayo di ba? So nung inuwi ka niya nakipagkita siya sa iba?"nag-uusisang tanong ni Wena. 

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at tumayo na.

"Tara na"sabi ko nalang sa kanya.

Alam kong gustong magtanong ni Wena pero ayokong sabihin sa kanyang nasasaktan ako. Ano ba karapatan kong masaktan? Wala akong karapatan hindi naman kami. Naghalikan lang ng walang label. Sus madami namang ganun.

"Okay ra ka bes?"tanong ni Wena.

"Okz ra bes anad anad ra na charot"pabiro kong sagot.

(Okay lang ako bes sanayan lang yan)

"Hanap nalang tayo ibang boylet gusto mo yun?"masaya niya pang alok pero umiling lang ako sa kanya.

Nawalan na ako ng gana. Bakit ba kasi ganon yun Shin?

My Ways To YouWhere stories live. Discover now