6

352 19 6
                                    

Jenna's pov

"Sasamahan mo ako?"tanong ni Agni habang nakatayo sa harap ko.

"Oo pagkatapos kung puntahan ang Sweet Haven kaya hintayin mo ko. Wala pa naman ang kikitain mo hindi ba?"tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at pinagbuksan na ako ng pinto ng kotse. Ihahatid niya daw kasi ako sa trabaho ngayon. Malambing talaga itong si Agni kaya swerte ang babaeng mamahalin niya.

Kapwa lang kami tahimik sa byahe namin. Iniisip ko din kasi kung anong drama yung ginawa ni Shin Cross kagabi.

Nagseselos ba siya?

Imposible. Di ba nga sabi niya komportable lang naman siya sa akin? Ako talaga inuuto nung Shin Cross na yun eh. Pinapaasa ako.

"Ikaw ba ay ayos lang bininbini?"nagtataka naman na binalingan ko ng tingin si Agni.

"Mukha ba akong di okay?"mataray kong tanong sa kanya.

"Bumubulong ka po ng mag-isa. Itatanong ko lang kung ikaw ay maayos lang"

Tang*na.

Hindi ko siya sinagot at napairap nalang. Sa totoo lang nabibweset talaga ako kay Shin Cross. Pagkatapos niya akong halikan kagabi ay hindi man lang niya ako binati ng 'Good morning babe'.

Isa siyang malaking piste.

Ano ba Jenna paasahin mo na naman sarili mo eh. Sabi nga niya di ba? Komportable lang siya sayo kasi ikaw bumibigay kaagad. Kunting harot niya lang eh.

Ugh! Ayoko na!

Masaya naman talaga ako na komportable siya sa akin eh. Ang kaso nga lang higit pa dun ang gusto ko. Gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang yakapin at higit sa lahat gusto ko siyang halikan.

Maharot talaga ako!

Pero sa kanya lang naman. Sa kanya lang kakalampag.

"Saan ba ang malapit na pagamutan dito?"nilingon ko si Agni sa tanong niya.

"Bakit?"takang tanong ko.

"Dadalhin kita doon at ikaw ay malala na. Kung hindi ka nagsasalita mag-isa ay ngumingiti ka naman ng mag-isa. Ako ay natatakot na sa iyo-"hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil binatukan ko siya.

Nilakasan ko talaga yun ng sadya dahil bweset siya. Natatawa pa siyang hinimas ang ulo niya.

"Hindi pa ako nababaliw ah!"sigaw ko sa kanya. Tumango naman siya at natatawa pa din.

Sa kanya lang!

"Ano ba ang iyong iniisip at ikaw ay napapangiti?"nakangiti niya pang tanong sa akin.

Napakagat-labi ako dahil iniisip ko kung tama bang sabihin ko sa kanya ito. Tama bang ikwento ko kay Agni ang tungkol sa nararamdaman ko kay Shin Cross.

"Kasi wala lang!"sagot ko nalang.

Ayoko nalang palang sabihin sa kanya. Gusto ko nalang itago to habambuhay kasi wala lang naman itong patutunguhan pa. Sino ba ako?

"Kung ayaw mong sabihin ay hindi naman kita pipilitin. Isipin mo lamang na ako'y naririto at handa kang pakinggan. Ano man yang iyong ituturan"sabi niya pa at nagpatuloy na sa pagmamaneho na walang imik.

Hanggang sa makarating kami sa Sweet Haven ay hindi na siya nagsalita at nakipag-apir lang kay Alex. Dumiretso nalang ako sa pwesto ko at binati ang mga kasama ko.

Ilang sandali pa ay lumapit na si Agni sa akin.

"Ako ay aalis na. Ayos lang sa akin kung nagbago ang isipan mo at ayaw mo na akong -"

My Ways To YouWhere stories live. Discover now