1

892 28 4
                                    

Tumatakbo ako papasok sa hospital na sinabi nila. Critical daw ang lagay ni Sir Ranz. Kasabay ko sa pagpasok ang magkakapatid na Jershin at Xam.

Naabutan namin si Shin Cross at Yanna na magkayakap. Napatingin ako kay Shin Cross at nanginig ako ng makita ang mga dugo sa damit niya. Patakbo akong lumapit sa kanya.

"Anong nangyari? May sugat ka ba?"tanong ko agad sa kanya pero umiling lang siya at hinawakan ang kamay ko.

Enebe! Kinikilig ako!

"I'm okay. Nasa operating room si Ranz"sabi niya at tumingin kay Ateng na umiiyak na sa bisig ng mga magulang niya.

Nalungkot ako sa nangyari. Nakawedding gown pa si Ateng at ang daming dugo ng sout niyang gown. Madaming sira ang damit at may mga galos at pasa din si Ateng.

"Kumain ka na?"tanong ni Shin Cross kaya umiling ako.

Baka gutom na siya ilang oras din silang nawala. May mga galos din at pasa si Shin Cross pero hindi naman malala. Nag-aalala pa din ako.

Naalimpungatan ako ng hawakan ulit ni Shin Cross ang kamay ko. Nasa pisngi na niya pala ang kamay ko at hinawakan ang sugat niya.

"Masakit?"tanong ko.

Umirap naman siya sa tanong ko.

Ang bobo naman kasi ng tanong ko malamang masakit. Sugat eh.

"Masarap"sabay irap niya pa kaya napangisi ako.

"Halikan ko para mawala?"biro ko.

Napatingin lang siya sa akin at umiling. Hinawi niya ang kamay ko at agad siyang lumapit sa mga magulang niya. Nagmasid lang ako sa kanila. Nakakabilib ang tatag ng pamilyang ito. Madami na silang pinagdaanan pero sobrang tibay pa din.

Gusto kong kalbuhin ang pisteng yawang Amethyst na yun. Sabi ko na eh! Sabi ko na bruha ang Trishalyn na yun.

"Ateng ayos ka lang?"tumango lang si Ateng sa akin kaya yinakap ko nalang siya.

Hindi siya nagsalita habang yakap ko. Nanginginig pa nga siya siguro sa kakaiyak. Sigurado akong natrauma si Ateng sa nangyari. Parehong inooperahan si Sir Ranz at Miss Evalyn ngayon.

Ayaw ko mag-isip ng masama kasi alam kong lalaban si Sir Ranz. Kailangan niyang lumaban para kay Ateng. Naghihintay si Ateng sa kanya.

"Tara na"sabi ni Shin Cross habang nakatingin sa akin.

"Saan?"takang tanong ko.

"Kakain. Nagugutom ako"sabi niya at hinila ako.

Nagpatianod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa kotse niya na dinala ni Agni dito. Pagkapasok namin sa kotse ay may kinuha siya sa likod. Puting t-shirt iyon.

Tinanggal niya ang butones ng sout niyang longsleeve at hinubad iyon. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko. Lalo na nung makita ko ang matipuno niyang braso. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa matigas niyang tyan dahil sa abs niya. Umangat ang tingin ko at nahuli niya akong nakatingin sa kanya pero imbis na umiwas ay kinindatan ko pa siya dahilan para itapon niya sa mukha ko ang madumi niyang damit.

"Ano ba! Ganda ng view tinatakpan mo!"sigaw ko sa kanya.

"Naughty"sabi niya at sinuot na ang t-shirt niya.

"Wag na magsout kasi. Mas masarap yun este mas komportable"sabi ko.

Pwede ko kayang hingin 'tong damit niya ako na maglalaba.

"What are you doing?"nagulat ako ng nagtanong siya sa akin.

Inaamoy ko lang naman yung damit niya. Iniisip ko lang ano kayang pabango niya? I'm sure mahal yun. Mabaho din kaya Kilikili niya? Bumabaho ba kili-kili nila?

My Ways To YouWhere stories live. Discover now