4

358 20 8
                                    

Jenna's pov

"Welcome home!!"sabay sabay naming sigaw ng pumasok si Sir Ranz sa mansion habang nasa tabi niya si Ateng at nakahawak sa bewang ni Sir.

Ang agang PDA kaso ayoko sawayin kasi ang sweet lang nilang tingnan na dalawa. Isang linggo na din nung huling pag-uusap namin ni Shin Cross at isang linggo na niya akong dinededma. Akala niya naman ako ang susuyo sa kanya. Manigas siya dahil pabebe din ako.

"Jenna, kamusta na ang Sweet Haven?"tanong ni ateng sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang braso niya.

"Ateng! Ang taas ng sales natin nitong mga huling araw. Madami din tayong orders"sabi ko.

Tumango naman si Ateng at yinakap ako.

"Salamat Jenna. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka"tinapik ko naman ang likod niya.

"Hindi po ako mawawala Ateng. Dito lang ako. Pakakasalan ko na kapatid mo"biro ko.

Tumawa lang siya sa sinabi ko at kumawala na sa yakap namin.

"Ikaw kang ang gusto kong babae para kay Kuya Jenna. Ikaw lang ang nagpabaliw sa kanya ng ganyan"sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Matagal ng baliw yan si Shin Cross Ateng"sabi ko nalang.

Ngumiti lang naman siya at bumalik na sa tabi ng mister niya. Nung tingnan ko si Shin Cross ay nakatingin siya sa akin ng matalim. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako nadedz.

Matagal na pala akong ded. Ded na ded sa kanya.

Hindi ako natinag at nakipagtitigan din sa kanya. Kalaunan ay kinindatan ko siya dahilan para agad siyang mag-iwas ng tingin.

Akala mo mananalo ka sa'kin ah.

"Jenna!"sigaw ng kung sino. Hinanap ko agad iyon at nakita ko si Agni na kumakaway sa akin.

"Hala! Nakabalik ka na?!"masaya kong salubong sa kanya.

"Oo kanina lang"sabi niya at ngumiti.

Umuwi kasi siya sa Isla kasama ang ibang tauhan at mga trabahador. Magpapagawa daw kasi ng clinic si Don Shin doon tulong niya sa mga taga-Isla.

"Ayeee may kasama na naman akong gumala nito"sabi ko sa kanya at sinapak sapak pa siya sa braso.

Tumawa lang naman siya sa ginawa ko kaya napatawa din ako. Nasa ganun kaming posisyon ng dumaan si Shin Cross sa gilid namin.

"Magandang umaga po"sabi ni Agni at yumuko pa.

Hindi naman siya pinansin ni Shin Cross at dumiretso lang paalis papunta ata yun sa kwarto niya.

"May nagawa ba ako?"takang tanong ni Agni.

"Malay ko dun baka nireregla"sabi ko nalang.

"Ikaw talaga"sabi niya at tumawa.

Sa lahat ng mga tauhan sa mansion siya lang at si Nana Glenda ang masasabi kong kapamilya ko. Kapatid na ang turing ko kay Agni. Habang para na naming nanay si Nana Glenda. Paminsan-minsan naman ay pumupunta dito si Nady at Dethan. Ang mag-asawa na yun hindi pa din nagkakaanak baka maunahan ko pa.

"Puntahan natin si Nana sa kusina"sabi ko kay Agni na tinanguan niya naman.

Pagpasok namin sa kusina ay naabutan namin si Don Shin doon na kausap si Nana Glenda. Masaya silang dalawa na nagtatawanan pa nga.

Luhh lumalablyp din ata sila ah.

"Magandang umaga po"bati ko kay Don Shin. Ngumiti lang siya sa akin at nakipag-usap ulit kay Nana.

My Ways To YouWhere stories live. Discover now