3

339 19 3
                                    

Jenna's pov

"Anong ginagawa niyo?!"sigaw ng pisteng ex ko.

Ekis talaga sa akin ang hayop nato. Muntik na eh! Konting-konti nalang! Umeksena pa siya.

Binitiwan naman ako ni Shin Cross kaya nagmartsa ako papunta kay James at hinila siya palabas.

Nakita ko kasing pabalik na si Mac at Pixie kaya kampanti na akong iwan nalang ang pwesto ko.

Padabog kong binitawan ang kamay ni James at sinamaan ko siya ng tingin.

"Ganyan ka na ba kababa Jenna! Nagpapahalik ka nalang sa kapatid ng boss mo para ano ha?! Para umangat sa buhay?!"

*pak!*

Sinampal ko siya ng malakas. Sa sobrang lakas namanhid ata ang kamay ko sa sakit. Ang tigas ng mukha niya kasing tigas ng puso niya.

"Ang kapal mong hayop ka. Napaka-kapal mong sabihin yan sa akin. Eh ikaw nga tong walang hiyang ginamit lang ako para makuha ang loob ng pinsan ko! Bakit mo ba gingulo ang buhay ko ng paulit-ulit ha James?! Bakit?!"sigaw ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang luha kong bumuhos dahil sa sama ng loob.

"Jenna di mo ba nakikita ang effort ko makuha lang ang loob mo ulit? Ginawa ko na lahat"sabi niya.

Gusto ko siyang sampalin ulit. Anong akala niya sa akin? Kasing tanga ng Jenna na nagmahal ng kagaya niya?

"Hindi pa James. Hindi mo pa ako nilulubayan! Kaya nagmamakaawa ako sa'yo! Please lang lubayan mo na ako!"

"Ano bang pinagmamalaki mo ah! Yung Seliva na yun! Pahalik halik ka dun kayo na ba?!"hindi ako sumagot sa kanya at tumalikod nalang.

Nabigla nalang ako ng hinablot niya ang braso ko at sapilitan akong pinaharap sa kanya.

"Ano ba! Bitawan mo ako! Nasasaktan ako James!"sigaw ko at nagpumiglas sa kanya.

Nabigla nalang ako ng matumba si James sa harap ko at may kamay na nakagapos sa bewang ko. Sinusuportahan ako para hindi ako matumba.

"Hayop ka! Ikaw na naman!"sigaw ni James at pilit tumayo. Dumudugo ang nguso niya.

"Why are you hurting her?"tanong ni Shin Cross sa kanya.

Dumura muna siya ng dugo at tumayo ng tuwid. Masama ang tingin niya sa akin at kay Shin Cross pero si Shin Cross ay kalmado lang ang tingin sa kanya. Mas nakakatakot kapag kalmado si Shin Cross para kasi itong kalmadong langit sa paparating na bagyo.

"Pakialam mo! Di mo naman Jowa yan! Sino ka ba sa tingin mo?"maangas pa ding tanong ni James kay Shin Cross.

"I'm Shin Cross Seliva"simpleng sagot ni Shin Cross.

Gusto ko matawa kasi alam kong inaasar niya lang naman si James. Ngayon lang bumenta sa akin ang pambabara niyang ganyan.

"Babalikan kita Jenna"sabi ni James at naglakad na pabalik sa kotse niyang nakapark sa di ka-layuan.

"Wag ka na bumalik. Wala ka na namang babalikan!"pahabol ko pang sigaw.

Naramdaman ko namang kinalas na ni Shin Cross ang pagkakahawak niya sa bewang ko. Lumingon ako sa kanya at masama na ang tingin niya sa akin.

"Ginugulo ka pa din ng ex mo? Hindi mo man lang sinabi sa akin"sabi niya.

Napakagat-labi ako at bumuntong hininga.

"Ayoko lang naman na-"

"I told you to tell me everything. Everything Jenna!"sigaw na niya.

"Hindi kita maintindihan Shin Cross. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ko ipaalam sa iyo ang lahat. Ano ba kita?"naguguluhan kong tanong.

My Ways To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon