2

425 17 11
                                    

Jenna's pov

"Alis na po ako Nana Ganda!"sigaw ko mula sa bukana ng kusina nila.

"Ingat ka Jenna. Kumain ka ha"sagot naman ni Nana Glenda.

Siya ang naging nanay-nanayan ko sa Mansyon. Simula nung tumira ako dito. Gustohin ko mang umalis at tumira sa sarili kong lugar. Ayaw din akong payagan ni Ateng at ng mga magulang niya.

Pumayag nalang din ako na manatili dito kasi masaya. Hindi ako nag-iisa at feeling ko may pamilya akong tunay. Kahit sampid lang naman talaga ako dito. Nakiki-feeling close sa magulang ni Ateng at lalong lalo na sa kapatid niyang si Shin Cross.

Naglalakad na ako papunta sa sakayan ng tumigil ang isang kotse sa tabi ko. Pamilyar ang kotse na ito. Saan ko nga 'to nakita?

Tumigil din ako sa paglalakad at hinintay na bumaba ang may-ari ng kotse. Lumabas ang isang lalaki na naka-longsleeve na gray at naka slux na pantalon. Pagtingin ko sa mukha ay napamura ako.

Dumiretso agad ako sa paglalakad pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.

"Bitawan mo ko!"sigaw ko sa kanya.

"Jenna please"sabi ni James.

Tiningnan ko lang siya na para bang wala akong pakialam sa kanya dahil wala na naman talaga! Pagod na pagod na ako sa nga paliwanag niyang walang katotohanan!

"Ano ba! Papasok na ako sa trabaho!"sigaw ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman siya pero hindi pa din umalis sa harapan ko.

"Jenna naman pakinggan mo nalang ako please"pakiusap niya.

"Nung ako ang nagmakaawa sa'yo. Nakinig ka ba? Di ba hindi?"malamig kong tugon sa kanya at iniwan siya.

Sirang-sira na ang araw ko. Mabilis akong naglakad paalis pero nakasunod pa din siya sa akin. Bahala siya mapapagod din siya kakahabol sa akin.

Nakakapagod naman talaga humabol sa taong may ibang hinahabol.

"Jenna ihahatid na kita!"sigaw niya mula sa bintana ng kotse niya.

"Salamat nalang pero ayoko magka-utang na loob pa sa'yo"sabi ko at umirap.

"I insist!"sabi niya pa.

"I insist din na patahimikin mo buhay ko!"sigaw ko sa kanya.

"Wag ka na kasing maarte!"sigaw niya pa.

Edi lumabas din ang tunay na kulay ng hayop na 'to. Alam kong may kailangan siya sa akin kaya lapit pa siya ng lapit. Sorry siya iniwan ko na ang katangahan ko.

Naiwan sa Paris!

"Alam ko namang mahal mo pa din ako. Ako lang ang mahal mo Jenna"

"Wow pri! Taas taas ng confidence natin ah! Gwapong gwapo sa sarili?"sabi ko at namewang paharap sa kotse niya.

Hinahighblood niya ako ng maaga ah! Dati pa siyang ganito makulit at gusto niya lahat ng gusto niya nakukuha niya agad. Dati minahal ko naman ang basurang ugali niya pero ngayon nagsisisi ako.

"Bakit hindi ba? Akala mo ba ganun kadaling kalimutan ang kagaya ko Jenna? You love me!"sigaw pa niya.

"Lahat ng bagay may katapusan James. Hindi naman ako ganun ka tanga na mamahalin ka pa din sa kabila ng kademonyohan mong taglay"sabi ko.

Hindi siya nagsalita at napakapit lang ng mahigpit sa manibela niya. Bumuntong hininga na lang ako.

"Tigilan mo na ako James please lang hangga't may respeto pa ako sayo. Tigilan mo na ako kasi alam ko hindi mo naman ako minahal. Ginamit mo lang ako"sabi ko at pinunasan ang isang butil ng luhang kumawala sa mata ko.

My Ways To YouWhere stories live. Discover now