12

314 13 0
                                    

Jenna's pov

Ang sakit! Ang sakit ng ulo ko!

Pati ata boung katawan ko masakit. Bumangon ako sa kama at napansin ko agad na nasa kwarto na ako sa mansyon.

Paano ako nakauwi?

Pinilit kong alalahanin lahat pero ang huli kong naalala ay ang mukha nung dalawang kasama ni Wena.

Si Wena!

Hinalughog ko ang higaan ko pati na ang bedside table pero wala ang celphone ko! Nasaan yun?! Tumayo ako sa kama at napatulala ako ng makitang...

Wala akong damit!

Agad kong hinablot ang kumot at pinalupot sa katawan ko.

May nangyari ba kagabi? M-may kumuha ba ng kayamanan ko?!

Bakit wala akong damit?!

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng nakakatakot na demonyong nilagay sa lupa.

Shin Cross!

"I see the sleeping dunktard beast is awake"sabay smirk pa niya.

Anong beast?!

Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang titigan lang ako. Hawak niya sa kamay niya ang celphone ko at sa kabila naman niyang kamay may hawak siyang supot.

Pagkain kaya yan?

"Bakit wala akong damit?"mahina kong tanong na hindi man lang tumingin sa kanya.

"Hindi mo maalala ang nangyari sa atin kagabi?"tanong nia.

Anooooooo?! May nangyari sa amin kagabi?!

"After all you did to me hindi mo pala maalala yun"sabi niya pa at inabot sa akin ang supot na hawak niya.

"Drink that para mahismasan ka"sabi niya pa.

"Si Wena tatawagan ko pa siya-"

"Done"sabi niya dahilan para hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

"Yung dalawamg lalaki-"

"Say their name and I will kill them both"naitikom ko ang bibig ko at umupo nalang sa kama.

"Paano na yan"bulong ko at tumingin sa kumot na nakapulupot sa katawan ko.

Paano kapag nabuntis ako? Ano na Jenna?!

"Kumain ka na"sabi ni Shin Cross at bigla nalang lumabas ng kwarto ko.

Ngayon ko lang napansin na may nakahain palang pagkain sa gilid ng kama ko. Sa may lamesa kung saan nagkalat ang mga designs ko para sa cake.

Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad akong lumapit doon para kumain. Habang kumakain pilit kong binabalikan lahat ng nangyari kagabi pero mas lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Jenna"napatingin ako sa pinto at saktong bumukas iyon.

Niluwa non si Nana Glenda na may dalang mangkok.

"Ano yan nay?"tanong ko.

"Pinaluto ako ni young master Shin Cross ng mainit na sabaw para daw mawala ang hang over mo. Ikaw bata ka bakit ka ba naglasing"sabi niya at nilagay din sa lamesa ang dala niya.

"Nagkayaya-an lang po kami ng kababata kong galing Cebu po"sabi ko.

"Mabuti nalang at sinundo ka ni young master Shin Cross kung hindi ay nako! baka saan ka na namin hahanapin"sabi ni Nana.

Sinundo ako nung damuhong yun?!

"Sinundo niya ko?"mahina kong bulong.

"Oo galit na galit yun nung umalis kagabi. Pagbalik niya kasama ka na niya at lasing na lasing ka. Sasama din dapat si Miss Yanna kaso hindi pumayag si Sir Ranz kaya si Young master Shin Cross ang sumundo sayo"sabi ni Nana at umupo sa tabi ko.

My Ways To YouUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum