Chapter 18: Reason

61 3 0
                                    


Chained By The Old Love

Chapter 18: Reason

Lorelei Larissa's P.O.V.

After that day I decided to continue attending school even tho my heart is full of  wounds.

Naging mahilap ako sa lahat. Ultimo sa mga kaibigan kong babae ay hindi ako nagpapadakip.

Papasok ako sa exact time at uuwi agad kapag tapos na ang klase.

Enzo and Marcus even contact me. Nakita ko rin na minsan ay nag aabang sila sa akin.

Kahit si Joziah ay pansin ko rin ang panaka nakang paningin niya sa akin. I don't know kung alam na niya ang totoo o hindi.

Nandito ako ngayon sa may second floor at nakatanaw sa mag babarkada. Nasa may soccer field sila at naka upo sa may damo. Hindi ko alam kung hindi ba sila naiinitan o baka nasanay na sila kasi hot naman silang lahat.

They are talking to each other. Brent, my cousin is laughing his ass off. Joziah is resting and just looking at them.

I saw the distance between the two duos. Marcus is beside Jaxon while Enzo is sitting beside Joz.

I took a deep sigh as I was watc them. For the past months, days, and hours. I saw how close they are too each other. Walang makakapantay sa pagkakaibigan nila.

Mula sa pagiging malungkot at pagiging masaya ay alam kong kinakaya nila iyon bastat magkakasama sila.

For so how many days of thinking and giving my self an answer, I already find what's decission is suitable for all of us.

It's not finalized yet kasi nagdadalawang isip pa ako. Kasi ako ang pinakamasasaktan. Ako ang magdurusa. But can I be forever selfish?

"Lorelei!"

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Jaz na papalapit sa akin.

Hindi ko alam ang magiging aksyon ko. Pero bago pa man ako makagalaw ay nahawakan na niya ako.

"You're been missing in action this past few days," pinangningkitan niya ako ng mata. "What happened?" bakas na ang pag aalala sa kanyang boses.

"Ah?" lumikot ang mga mata ko at naghanap ng pwedeng isagot. "Malapit na kasing matapos ang sem kaya medyo busy na," I answered.

Well some part of it is true. Pero karagdagan pa rin sa mga dahilan ko ang ilang myembero ng Serpent ravens.

Mukhang pinaniwalaan naman niya ang sinabi ko kaya siya napatango.

"Really? Well the group planned to go to a resort. Sana makasama ka kahit sobrang busy mo," pinagdiinan niya pa ang word na 'busy'.

"Ahmm... Susubukan ko sige," sa totoo lang ay wala naman talaga akong balak.

"Okay," she nod her head again. "Medyo busy rin ako ngayon kaya iiwan na muna kita. Pero sana ay makasama ka na ulit namin ni Yuri," nagpaalam na siya at naglakad na paalis.

Napabuntong hininga ako at tumingin ulit sa banda ng magkakabarkada.

Mabilis akong napatalikod ng makitang nakatingala sina Joziah, Marcus, Enzo, at Brent sa akin. Naglakad na rin ako paalis doon.

Uuwi na lang ako. Natural naman ay wala na akong pasok.

Pagka uwi ay tamad akong humiga sa aking kama. Marami pa akong dapat gawin. Tulad na lang ng pagwawasto sa mga ibang mali namin sa thesis.

Tumayo ako at nagtungo sa study table ko. Dapat ay mag focus pa rin ako sa pag aaral kahit na magulo ang isipan ko ngayon.

Nilabas ko na sa aking bag ang mga papel at binuksan ang aking laptop. May copy rin kasi ako no'n. Nagtutulungan naman kami kasi talaga ni Shine. Nagka emergency kasi siya ngayon kaya ako na muna ang gagawa.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now