Chapter 1: Home

441 17 10
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 1: Home

Lorelei Larissa's P.O.V

"Sorry we can't come home with you." Saad ni Mama. Naiintindihan ko naman sila kasi may business pa ang pamilya namin dito sa Germany kaya naman ako lang mag-isa ang makaka-uwi sa Pilipinas.

"I understand, Mama." I said and smiled at her.

I decided to go to back to Philippines because I need to get back what's mine.  Last year ko nalang sa college. Sa Pilipinas ko na rin tatapusin iyon. I know na mahirap ang gusto ko dahil maraming kailangan asikasuhin para lang makalipat ng school. But, well my family has it's own connection kaya medyo hindi naging mahirap ang balak ko.

"Are you sure that you will be fine there? Anak, I want the best for you kaya naman pinagdesisyon kitang mag-isa. I trust you so please huwag mong pababayaan ang sarili mo roon." Hinaplos niya ako sa ulo at hinalikan sa pisngi.

Damang dama ko talaga ang love sa akin ni Mama at Papa. Alam kong ayaw naman nila talaga akong payagan na bumalik sa Pilipinas kasi nga magkakahiwalay kami. Pero pinayagan pa rin nila ako kasi iyon ang gusto ko.

"Of course, Mama. Hinding hindi ko papabayaan ang sarili ko. I swear." Saad ko at itinaas pa ang isa kong kamay.

Iniwan na ako ni Mama sa loob ng kwarto ko. Nagpatuloy na ako sa pag-eempake. I will surely get you back Joziah Kaiden. 

Maayos naman ang relasyon namin ni Joziah noong nakarating ako rito sa Germany. Pero after two years bigla nalang siyang naging malamig sa akin. Every time na nag-vivideo call kami ay ako lang lagi ang dumadaldal. Hindi pa nga siya nagsasalita kung hindi lang ako nagtatanong. Naging one word na rin siya. Winalang bahala ko lang iyon pero noong dalawang linggo siyang hindi nagparamdam ay kinabahan na ako.

After one week ay nagchat siya sa akin at sobrang excited ko noon kasi salamat naman at nagparamdam na siya. Salamat naman at walang nangyaring masama sa kanya.

But after reading his message  ay napaiyak nalang ako. I wish I had never read that.

Let's break up.

'Yan lang 'yung sinabi niya. Nag-reply ako at tinry pang tawagan siya pero hindi niya sinasagot.

That time alam kong hindi na siya akin. 

Agad agad kong tinawagan noon si Sophie at tinanong kung ano ba talagang nangyari. Pero mas lalo lang akong nasaktan sa sinabi niya.

"I'm sorry, Bes. May ibang babae na si Kuya at ngayon ko lang din nalaman."

Alam kong sinisisi rin ni Sophie ang sarili niya noon kung bakit kami nagkasira ni Joziah. Kung mas maaga niya lang daw sana nalaman 'yun ay baka naayos pa daw namin ito. Isa pa, dahil daw sa kanya kaya nagkakilala ang Kuya niya ta ang bagong babae. 

Minsan daw kasing nag group study sina Sophie sa bahay nila at kaklase niya iyon kaya naman pumunta rin ito sa bahay nila at doon nga ay nagkakilala na sila.

Pero hinding hindi ko sinisi si Sophie. Hindi rin naman niya alam na mangyayari iyon. Hindi rin naman niya ginustong masaktan ako. Kahit naman magkalayo na kami ay mag-best friend pa rin kami.

Napapiling nalang ako ng ulo. Umiiyak na naman ako. Hangga kasi ngayon ay damang dama ko pa rin ang sakit. Kahit 3 years na ang nakalipas ay hindi pa rin talaga ako makapag-move on. Mahal na mahal ko pa rin si Joziah. I don't care kung may bago na siya. Babawiin ko siya at gagawin ko ang lahat para mahalin niya ulit ako.

Pagkatapos kong mag-empake ay nag-shower na ako at natulog. Maaga pa ang flight ko bukas.

----

KINABUKASAN nga ay nasa airport na ako para sa flight ko. Hinatid pa ako ng parents ko para makapagpaalam na rin sa akin. Even tho they are busy, hinatid pa rin nila ako.

Ilang oras ang byahe kaya naman naisipan kong matulog. Kaso ay hindi ako makatulog. Iniisip ko kasi paano kung makita ko si Joziah kasama ang girlfriend niya. Anong magiging reaksyon ko?

Dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayang nandito na pala kami. Nagready na ako pababa.

Ang susundo sa akin ngayon ay si Sophie. Balak ko sanang mag taxi nalang o kaya ay pasundo sa driver namin. Kahit naman kasi nasa Germany kami ay may mga nakatira pa rin sa bahay namin. Naiwan doon sina Manang Ising at si kuya Roger na driver namin.

Nagpresinta si Sophie dahil miss na miss na raw niya ako.

Lumipas ang kalahating oras ay hindi pa rin nagpapakita si Sohpie. Na-contact ko naman na siya.

"Ang tagal naman ng Jimenez na 'yun." Malakas kong sambit.

"I hope I am not that Jimenez you are saying."

Napatingin ako sa nagsalit at doon ay napanganga ako. Gosh. It was Joziah. He's wearing a polo and pants with matching timberlands.

Timberlands. We're both wearing timberlands. Is this what they called destiny? 

Lalo siya gumwapo at lalong nagdepina ang muscles niya.

Napaayos ako ng tumikhim siya,"Ah... where is Sophie?" I asked. Saan ba kasi ang bestfriend kong iyon. Ang awkward nito ah.

"She can't come." Iyon lang ang sinabi niya at naglakad na siya. Wow ang gentleman ah. Hindi man lang ako tinulungan sa maleta ko.

Umarap siya sa akin at ang ekspresyon ng mukha niya ay parang naiirita,"Ang bagal." He said at lumapit sa akin. Kinuha niya ang hawak ko at siya na ang nagdala.

Napangiti ako ng patago. 'Di naman pala ako matiis eh.

Sumakay na kami sa kotse niya at nagmaneho na siya. Tahimik lang kami at ni isa ay walang nagsasalita.

Inikot ko ang paningin ko sa buong kotse niya at napatigil ako sa nakita ko. It was a picture of him and his girlfriend. I can say that his girlfriend is very pretty. She looks innocent.

If she was not her girlfriend, I think I will like her. But no! Hindi ko pa rin nalilimutan na siya ang naging dahilan nang paghihiwalay namin ni Joziah.

"She's so pretty." I commented.

Napatingin naman siya sa tinitignan ko at napangiti. His smile is so lovely. Dati sa akin lang siya ngumingiti ng ganyan.

"Of course. She's the prettiest woman I've ever met." And it Kills me.

Napangiti nalang ako ng mapait. Of course never naman akong naging maganda sa paningin niya. Yes he is so sweet to me dati pero never niyang sinabi ang katagang iyon sa akin. He never said that I look pretty. Pero so what 'diba atleast boyfriend ko siya. Dati. Hindi na ngayon.

Babawiin kita.

Alas tres na ng hapon kami nakarating. Magkatabi lang ang bahay namin. Dumeretso ako sa bahay namin at nilagay na roon ang maleta ko.

Paupo na sana ako ng biglang pumasok si Sophie at hinila ako,"Doon tayo sa amin. Naghanda si Mommy for you." She said and hold my hands. My Sophie is so sweet. That's why I love her.

Tumigil muna kami saglit,"Why?" I asked.

Ngumiti siya nang pagkalaki laki sa akin,"Nagustuhan mo ba?" Tanong niya.

Kumunot ang noo ko,"Ang?" Nagtatakang tanong ko.

Sinundot niya ako sa tagiliran kaya naman napapiksi ako,"Sinadya kong si Kuya ang magsundo sa'yo. Alam ko naman na miss na miss mo na siya." She said at tinaas baba pa ang kilay niya.

***

Chapter 1, done!

Sana basahin niyo ito at masuportahan niyo. Thank you! Support my other stories too, Thanks!


Chained By The Old Love (CLSS #1)Where stories live. Discover now