Chapter 12: Hubad

160 7 24
                                    

Chained By The Old Love

Chapter 12: Hubad

Lorelei Larissa's P.O.V.

Today I am meeting Marcus on the restaurant near the school.

Ang sabi ko nga sa kanya ay kahit sa may school na lang kami mag-usap at hindi naman talaga ganoon ka importante ang pag-uusapan namin.

But he refuses. He said, "This is the first time that we'll talk to each other. I mean 'yung tayong dalawa lang kaya naman pagbigyan mo na ako na roon tayo mag-usap."

Ngayon ay kasalukuyan akong nasa loob ng classroom. May pinag aaralan kami tungkol sa mga numbers. Hindi naman ako ganoon kakitid ang utak para hindi iyon maintindihan. I know how to balance pero minsan ay sumesemplang talaga. Depende rin talaga siguro sa problema na ibinigay para masolusyunan.

I remembered noong fist time ko itong pag aralan. Naiiyak ako noon dahil sa frustration. Paano ba naman kasi ay nag uumaga na at wala pa akong tulog pagkatapos ay ayaw pang magpantay ng mga numero. Muntikan ko na ngang punitin ang naisulat ko.

Pero ng mga bandang alas singko na ng umaga ay nagawa ko naman na. Kaya naman pala hindi ko makuha ay mali ang isang value na nailagay ko. Napasabi na lang ako ng 'tanga' sa aking sarili.

For me that was a funny and worth it thing. Isipin mo na wala kang tulog pero worth it naman ng nakuha mo. Nakakatuwa rin dahil wala kang ibang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili mo. Paano ba naman kasi kung nag focus ako ng maayos ay mas maaga ko sana iyong nasolusyunan. Hindi ba?

After long explanations ay natapos na rin kami.

Bago tumayo ay inayos ko muna ang mga gamit ko. Ang sabi ni Marcus ay hihintayin nalang niya ako sa may gate. Gusto pa nga niyang sunduin ako sa huling klase ko. Ang kaso ay parang sumosobra naman ako no'n. Ako na nga itong may kailangan sa kaniya tapos ay siya pa ang mag e-effort.

I really don't know on how to start the conversation. Kung paano ko ipapasok bigla si Enzo sa aming pag uusapan. Kung paano ko itatanong sa kanya kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawa. Nina Enzo at Tania.

I am sure that I will not gonna ask him direct to the point. Baka mabigla siya at magtaka kung bakit parang napaka curious ko. Maybe I'll just gonna make segway just like what I did to my cousin.

Lumakad na ako papunta roon. Nakasalubong ko pa si Travis na tila nagmamadali.

"Hey," he said and smiled at me.

Ngumiti lang ako sa kanya at pagkatapos ay mabilis na ulit siyang naglakad.

Natawa ako ng mahina. Marahil ay nakatulog na naman siya sa library at hindi namalayan ang oras. Ayan tuloy at naubusan na naman ng free time at nagmamadali na naman para sa kanyang papasukan.

Nang matanaw na ako ni Marcus ay naglakad ito upang salubungin ako.

"Kanina ka pa?" nahihiyang tanong ko.

"Nope. Halos kakarating ko lang din," sagot niya at ipiniling ang ulo.

I nodded. "Are you not busy? Baka talagang naiistorbo na kita."

"Not really. Ilang araw na rin naman kaming nagpapractice para sa paparating na laban. Isa pa ay nagpaalam na ako kay Joz," sagot niya.

"Buti naman at pinayagan ka niya. I know that he is very strict," I said.

Nag umpisa na kaming maglakad. Hindi naman iyon malayo at medyo nasa harapan lang talaga ng school namin.

"Makulit ako, Lorelei. He didn't want to approve my request at first. Pero naging mapilit ako," he said shrugging his shoulders off pagkatapos ay natawa.

Chained By The Old Love (CLSS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon