"Ayoko nga eh! Natatakot ako," bulong ko.

Hindi ko talaga nilakasan ang aking boses dahil ang daming taong nasa paligid namin. Nakakahiya!

Napatingin sila sa isa't-isa at ngumisi na parang may binabalak silang dalawa. Napasigaw ako nang hawakan nila ang aking mga kamay at kinaladkad ako papasok sa loob.

"Ahhhhhhh!" napasigaw ako nang makita ko ang isang bangkay sa harapan namin.

My bones shivered seeing the different ghosts, the graveyard, and hearing the horrifying sound effects.

Tatakbo sana ako palabas ng entrance, nang hawakan ni Jenjen ang braso ko at umiling.

"No, no, no," suminyas pa siya.

"Gelai, naman, hindi ka naman kakainin nila eh!" sabi ni Mae.

"Kapag ako nahimatay sa takot, kayo na talaga ang bahala sa'kin." Tinuro ko silang dalawa at tumawa naman sila.

" 'Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano, Gelai! Dapat mag-enjoy ka lang."

"Paano ako mag-i-enjoy dito? Natatakot nga ako eh!" ngumuso ako.

"Relax lang, okay?"

We started walking.

Malamlam at mausok ang paligid. Dumikit ako at hinawakan ng mahigpit ang braso ni Jenjen, nang makarinig ako ng nakakakilabot na tawa ng isang bruha.

I heard ghostly hunting voices and saw bleeding internal organs and a white lady.

"Ahhhh!!!"

Napasigaw kaming tatlo, at napatakbo ako nang biglang bumagsak ang isang bangkay sa harapan namin.

Napahiwalay ako nila Jenjen at Mae.
Tumigil ako at kinabahan.

My heart started pounding...

"Jen! Mae!" sigaw ko sa pangalan nila.

Nasaan na kaya sila? Huhuhu, natatakot na ako. 

Nay! Tay!

The cold air hit my skin. Niyakap ko ang sarili at nagpakatapang na hanapin ang exit door ng mag-isa.

"Okay lang 'yan, Gelai. Face your fear, fighting!" I took a few deep breaths, trying to relax myself.

Lakad...

Lakad...

Tingin sa kaliwa at kanan...

Dahan-dahan akong naglalakad habang nagmamasid sa paligid. Napatalon ako at napasigaw ng malakas nang may kung sinong manyak na pumisil sa pwet ko. Humarap ako at tumingin kung sino ito, isang matangkad na lalaki na kulay olandes ang buhok.

"Hi miss, ang lambot ng pwe--ouchh! Shit! Fuck!" mura niya sa sakit.

Sinipa ko lang naman ang pagkalalaki niya, kaya siya'y napaluhod at napahiyaw sa sakit.

"Bastos!" galit kong sigaw at iniwan siya.

Ang takot ay biglang nawala dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon.

"Bwesit na lalaking 'yon!" inis kong bulong.

Biglang lumitaw ang isang duguan na babae sa harapan ko.

"Sa tingin mo matatakot ako sa'yo?! Ha! In your dreams!" sigaw ko at nilagpasan siya.

"Ay galit?" rinig ko sa kaniya.

Wala na akong pakialam sa paligid. I continued walking until I reached the exit door. Lumabas ako at tumingin sa paligid para hanapin sila Mae at Jenjen.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now