CHAPTER 16

3.4K 81 24
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas simulang nagkalagnat ako, at ngayon, okay na okay na ako. Ngayong araw na 'to ang pag-alis ni Manang Delia, kaya heto kami ngayon sa labas ng gate, nagdradrama.

"Manang, mag-iingat po kayo sa biyahe niyo," pahikbi kong saad at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

" 'Wag kalimutan ang mga bilin ko sa inyo at mag-iingat din kayo rito," paalalang wika ni manang at niyakap kami ni Jenjen.

"Mamimiss po namin kayo, manang," sabay saad namin ni Jenjen.

"Sige na, kailangan ko ng umalis," paalam ni manang sabay humiwalay sa pagkakayakap sa'min at pumasok na sa taxi.

"Bye, manang, ingat po kayo!"

Kumaway kami sa kaniya at gano'n din siya. Umalis na ang taxi, samantalang kami ni Jenjen ay bakas pa rin sa aming mukha ang kalungkutan.

"Gelai, sige na pumasok na tayo," rinig kong sabi ni Jenjen.

"Jen, sobrang mamimiss ko talaga si manang," malungkot ang aking boses at ngumuso.

"Ikaw lang ba, Gelai, siyempre ako rin no! Matagal din nating nakasama si manang dito, haysst, tama na nga ang kadramahan na 'to!  Kailangan na nating pumasok dahil may trabahong naghihintay pa sa atin!"

Pumasok na kami sa gate at naglakad patungo sa mansyon.

"Gelai, pa'no ba 'yan, kailangan na nating maghiwalay," birong wika ni Jenjen at tumawa ng mahina.

"Sige Jen, kailangan ko na rin linisin ang kwarto ni Don."

"Speaking of Don, Gelai na sa office ba siya?" tanong niya at tumango ako.

"Busy siguro sa negosyo. Hindi nga siya lumalabas sa opisina niya eh. Sige, kailangan ko ng pumunta sa third floor."

➖✴️➖

I cleaned the furnitures, bathroom, and I also ironed his clothes. Pagkatapos kong linisin ang kwarto ni Don, ay pumunta ako sa kusina upang kunin ang lunch niya at dalhin sa office niya.

Dala-dala ko ang food tray at kumatok sa pinto.

"Come in."

Binuksan ko ang pinto at pumasok. Nakita ko si Don na may kausap sa cellphone niya habang nakatingin sa'kin.

"Katrina, tell him I will meet him tomorrow."

Sino kaya si Katrina?

Brain: Don't tell me nagseselos ka?

Ngumuso ako at nilagay ang mga pagkain sa mesa.

"Don, kumain na po kayo," ang boses ko ay mahina.

Ngayon ko lang napagtanto na nakasalamin siya sa mata.

Ang gwapo pa rin niyang tignan. Ano ba 'yan, tumigil ka nga Gelai!

"Okay," tanging sagot niya at ibinaling ang sarili sa computer.

Nagulat naman ako sa inasal niya, ang weird niya ha!

"Ahmm, alis na po ako. Kung may kailangan po kayo, tawagan niyo lang po ako, Don," paos kong wika at lumunok.

Hindi man lang siya nagsalita, Anong nangyari sa kaniya? Bakit ang tipid niyang magsalita?! Bakit ang lamig niya sa'kin ngayon? Dinaig pa yata ang yelo sa sobrang cold niya! Hindi man lang niya ako pipigilan?

Aaminin ko, nasaktan at nalungkot ako sa inasal niya sa'kin ngayon. Hindi naman kasi siya ganito sa'kin eh!

Umalis na lang ako at pumunta sa kwarto ko. Ewan ko ba kung bakit naiiyak ako. Kanina umiyak ako, tapos ngayon, iiyak na naman ako!

I walked towards the closet at kumuha ng damit para magpalit. Pagkatapos, ay napag-isipan kong manood ng music videos ng BTS para mawala ang lungkot na nararamdaman ko.

Kinabukasan..

Nandito ako sa living room, nakaupo sa couch habang busy na tinitignan ang mga pictures ni Jungkook.

"Ang gwapo mo talaga, baby ko! Sana makita kita sa personal, at kapag nangyari iyon, ako mismo ang manligaw sa'yo. Please marry me, Jungkook!" I giggled habang nakangiting pinagmamasdan ang pictures niya.

Halos puno yata ang gallery ko dahil sa dami ng pictures ni Jungkook!

Nagulat ako nang may biglang humablot sa cellphone ko.

Humarap ako at nakita ko si Don na seryosong nakatingin nito.

Kanina pa ba siya? Eh, ano naman ngayon?

"Who the fuck is this?" he growled as he showed me the pictures of my baby.

He raised his eyebrow, glaring at me.

Ngumisi ako at sumagot, "Baby ko."

Sinubukan kong agawin ang cellphone ko, pero ayaw niyang ibigay sa'kin.

Ano bang problema niya?! Kahapon lang ang cold niya sa'kin, tapos ngayon, galit siya?!

"Baby?! What the fuck do you mean, kotehok?" he scowled.

Tumingin ako sa kaniya. He looked scary and jealousy was written on his face.

I'm a little bit scared, pero kailangan kong panindigan ang pagsisinungaling ko bwahaha..

"Ahm, baby, as in boyfriend!" pagsisinungaling ko at kinagat ang lower lip para pigilang tumawa.

Boyfriend? In your dreams Gelai hahaha..

"As what I've told you, bawal kang magkaroon ng boyfriend, because you're  fucking belong to me!" he spatted.

Gusto kong tumawa, pero pinigilan ko lang. Ang sarap palang paglaruan si Don!

"You still fucking disobeyed me, Gelai! Where the fuck is he?" he added, putting his arms under his chest.

"Nasa Korea siya. Actually, papakasalan niya nga ako kapag umuwi na siya," I simply answered and shrugged.

"Really?"

"Yup," tumango pa ako.

He smirked.

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya, dahilan para kumunot ang noo ko.

"Hello, Frank, you're my best assassin, right? I want you to find a boy named Jungkook in South Korea. I want you to bring his dead-"

Agad kong hinablot ang cellphone niya.

"Please, 'wag! Nagbibiro lang ako! Hindi ko siya boyfriend, k-pop idol ko lang po siya. Malabo pong maging boyfriend ko siya. Please, 'wag niyo pong ituloy," natarantang pakiusap ko.

"Sorry, ma'am, but I only take orders from Don," sagot ni Frank.

Mas lalo akong nataranta.

Hinawakan ko ang kamay ni Don at nakiusap sa kaniya.

"Please, Don, pigilan mo siya. Prank lang po 'yon. Ikaw nga ang first kiss ko eh, ikaw nga-"

He suddenly kissed me.

He sucked my lower lip and pushed his tongue inside me, invading my mouth.

Tumigil siya habang ang noo namin ay magkadikit.

"Alam ko, kotehok. I know everything about you. It was just an act. You're a liar, tsk," he smirked and pecked my lips again.

Natamimi ako sa sinabi niya.

It was just an act?! So, alam niya ang tungkol kay Jungkook?! Tanga mo Gelai! Siyempre alam niya! I know everything about you nga 'di ba?!

"Frank, don't do it," utos niya at ibinalik ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

Hinalikan niya ang pisngi ko bago umalis, habang ako ay naiwang nakatulala.

His Beautiful Prey Where stories live. Discover now