Chapter 35: BANAUAL

Start from the beginning
                                    

"Kung sasabihin mo sa akin ang totoo, bakit hindi? Puro kasi kayong mga banyaga na parang pinag-aralan niyo pa talaga ang aming salita. Saang bansa ba kayo nanggaling at pinili niyo pa ang ang mga Pinoy para lapahin." Ang wika ni Caren na nagpapakita ng interest sa sasabihin ng lalaking lycan sa kanya.

"Matagal nang planado ang lahat dito sa bansa ninyo ang tungkol sa paglipol sa lahi ng mga tao. Apat na taon na ang nakakaraan nang dumating kami sa bansa ninyo bilang mga turista, vlogger, excgange students at ang iba naman ay mga businessmen na mamumuhunan sa bansa ninyo. Nakisalamuha kami sa iba't-ibang klase ng mga tao. Pinag-aaralan ang inyong pamumuhay at mga paniniwala. Naghihintay ng tamang pagkakataon at kung ano ang utos ng pangkalahatang pinuno. At nangyari nga ang aming hinihintay, ang hudyat ng paglipol sa mga mortal sa buong mundo. Nangyari ang aming nais, ngayon ay kakaunti na lamang ang mga taong natitira sa buong mundo. Pero, nakakatuwa na isa rin palang mortal ang magpapabago ng takbo ng aming adhikain. Nangyari iyan ng talunin mo ang aking kapatid." paliwanag ni Maxime, pero mariin ang pagkakasabi niya sa huling salita.

"Hindi ko sinasadyang mapatay ang kapatid mo pati na ang asawa niya. Hindi ko ginusto na pamunuan ang mga kawan ninyo at lalong hindi ko ginusto ang maging tulad ninyo." saad ni Caren. "Pero tanong ko lang, bakit pinili mong mag-isa?"

Natigilan si Maxime sa tanong ni Caren. Tumingin siya sa dalaga at huminga ng malalim.

"Salamat pala dito. Buti na lamang hindi gawa sa pilak ang bala." Ang pag-iba ni Maxime sa pinag-uusapan nila ni Caren na tila may iniiwasan.

"No. Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin, ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo sa pagliligtas sa buhay ko." ani Caren at saka tumayo para punasan ang  basa nitong kamay.

"Talaga bang wala kang balak na lumayo? Tandaan mo hangga't naririto tayo ay nasa panganib ang buhay ng mga tao rito."

Napaisip si Caren sa tinuran ni Maxime. Tama nga siya kung tutuusin. Maaring sila rin ang magiging sanhi ng panganib sa mga buhay ng mga taong naroroon. Pero, kung aalis sila, sino rin ang poprotekta sa kanila? Naroroon si Alex na matagal na niyang hinahanap. Hindi niya basta-bastang tatalikuran ang lalake. Ayaw man niyang aminin pero may pagtingin siya kay Alex. Nawalan ng direksiyon ang buhay niya nang inakala niyang wala na siya. Ngayon ay may dahilan na siyang muli para mabuhay at ipaglaban ang pag-ibig niya sa lalaki.

"Kung dumating man ang oras na iyon, iisa lang ang naiisip kong gawin. Kung kinakailangang kitilin ang sarili kong buhat ay gagawin ko masiguro lang na maging ligtas lamang sila sa panganib. Lalo na sa akin, sa halimaw na nasa akin." tugon ni Caren sa lalaki.

"Ginagawa mo ba talaga ito para sa kanila o para sa sarili mo? Para sa isang tao na espesyal sa'yo?" usisa ni Maxime kay Caren.

Muli ay di kaagad nakatugon si Caren sa mga tanong ni Maxime sa kanya. Kanino nga ba niya ito ginagawa? Sa mga tao ba? Sa kanyang sarili o kay Alex? Kanino nga ba?

"Maxime, kailangan ako ng mga tao sa oras na ito. Mas uunahin ko muna sila bago ang sarili ko. Wala akong dapat patunayan sa'yo dahil ngayon lang kita nakilala." Huminga ng malalim si Caren at saka tumingin sa bahagi ng parola kung saan nanunuluyan karamihan sa mga nakaligtas sa delubyo. "Kung ayaw mo akong tulungan protektahan ang mga tao, maaari mo ng lisanin ang lugar na ito. Nakikiusap ako dahil ayokong makioag-away sayo."

"Paano kung sasabihin ko sa'yo na ayoko?" Ang matigas na tugon ni Maxime.

"Kung gayon, kalimutan mo na magkauri tayo. Magkakamatayan muna tayo kung may gagawin kang masama sa kanila." ang babala ni Caren sa kasamang taong-lobo.

Seryoso ang dalaga sa tunuran niyang mga salita. Pero, natawa lamang si Maxime sa naging reaksiyon nito sa kanya.

"Sino ba nagsabi na may gagawin akong masama sa kanila? Saka napag-isip-isip ko na baka tama ka. Kailangan nila ang tulong natin. Na minsan sa buhay ko na makagawa man lang ako ng tama para sa tao." Ang saad niya.

ODESSA'S REDEMPTION: Games Of The Gods (Odessa's Redemption Trilogy Book 3)Where stories live. Discover now