"I hope you will find your way to the right path," basag ni Crox sa katahimikan. Isang RAP road na kalsada, magkabilang kagubatan, madilim na kalangitan at tanging mga kuliglig lamang ang maririnig sa paligid at maging ang sarili kong paghinga.

Suot na ulit niya ang hood at bibig na naman ang tanging nakikita ko sa kaniya. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ko siya unang nakita maliban sa gabing namatay ako sa kamay ng err—faceless killer. Or what ever that creature's name is. Parang nakita ko na siya dati dahil masyado siyang pamilyar. Sa tuwing nagbababa rin siya ng hood at nakikita ko ang kabuuhan ng mukha niya ay bahagyang sumasakit ang ulo ko.

"Aalis ka ba? Iiwan mo ako rito?" Hindi ko sinasadyang maisatinig ang kanina ay nasa isip ko lang.

Hindi ko maintindihan ang ekspresyon niya dahil hindi ko naman makita ang kaniyang mga mata. "I have been granting wishes of souls over the years. Kagaya ng mga tao, Crox works every hour. But don't worry, I will always watch you."

"Ilan ba kayong tagapagpatupad kung ganoon?"

"Sampu."

"Sa Hemaiem?"

"Sa buong mundo."

Muntik ko pa akong mawalan ng balanse sa narinig kung hindi lamang napahigpit ang hawak ko sa maleta. "WHAT!? How did you—?"

"We are not mortals, Airen. I can be in a different place at a time."

"Ngayon? Nasaan ka pa ngayon maliban dito sa Himaraya?"

He shrugged. "I'm just here. I'm in other places when your vision of me started to glitch."

"Started to what?"

"To glitch," ulit niya. "Iyon ang tawag niyo kapag nagkakaroon ng malfunction ang computer, right? That is also happening to me eversince I started this job. But right now, I needed to go. I don't want you to see how I glitch. Masakit iyon sa mata."

"Wait!"

And in just one blink of an eye, he vanished.

"It's just you right now. I will watch but I won't interfere. Stay alive, Mercado. They are after you."

Sa isang iglap ay ako na lang mag-isa ang narito, mahigit limang metro ang layo sa border ng La Vienna at Himaraya. Bitbit ang maleta at backpack, hindi alam kung paano tatahakin ang walang katao-taong kalsada.

Napatingin ako sa malamig na bagay na nasa palad ko at muntik ko nang makalimutan na may binigay nga palang balisong si Ms. Carla. Isinilid ko iyon sa bulsa ng slacks na suot ko. Ngayon ko lang napansin na suot ko pa rin pala ang apron ng coffee shop pero hindi na ako nag-abala pang alisin iyon.

Umupo ako sa gilid ng kalsada at kinuha ang flashlight mula sa bag ko. Binuklat ko ang papel na isang short bond paper pala. Nang itutok ko ang flashlight doon ay bumungad sa akin ang isang drawing na ginamitan lang ng pentelpen at oil pastels. Ilang segundo ko iyong tinitigan at napagtanto kong isa iyong mapa. Mapa ng Hemaiem.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
RESETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon