Chapter 5 : Nosebleed galore

Magsimula sa umpisa
                                    

Kaya kakayanin niya!

Nasa pagitan siya ng pagguhit uli sa isang linya sa manual nang tumunog nang walang pasabi ang intercom.

"Beking kabayo!" nakatutop sa dibdib na sigaw niya at nabitawan ang hawak na lapis. Gumulong iyon sa paanan niya.

"Miss Reyes, coffee," malamig na utos ng halimaw sa intercom.

"Sir!" gulat pa ring sabi niya rito. "Okay po. Wait lang."

Napasulyap siya sa orasan sa table niya. Kumunot ang noo. 7:43 pa lang, bakit nando'n na si Hunter? Sa loob ng ilang araw ay parang may timer itong dumarating nang alas-otso en punto! Napaaga yata ito ngayon.

Tahimik siyang pumasok sa opisina ng CEO at nakitang sapo nito ang ulo.

"Good morning, Sir," bati niya at ngumiti.

Kumunot ang noo nito nang makita siya pero hindi nagkomento. Basta tumango lang nang kaunti.

Hinanap ng mata niya si Sir Gener pero wala ito sa silid. Tahimik siyang nagtungo sa private kitchen at gumawa ng kape.

"Coffee mo, Sir," simpleng sabi niya at inilapag ang kape nito sa mesa.

Hindi pa rin ito nagsalita. Ni hindi tumingin. Pero sanay na siya sa halimaw. Ang isa pang kape na para kay Sir Gener ay inilagay niya sa table sa couch set.

"Sir, ginawan ko na rin ng kape si Sir Gener. Iiwan ko na lang po sa table," sabi niya na ang isip ay nasa manual na pinag-aaralan.

Nag-angat ng mukha si Hunter sa kanya.

"Tito will be late. Hindi kami magkasama ngayon," sabi nitong nakatingin sa kanya.

Hindi niya alam kung anong dapat na reaksyon niya. E, paano na ang kape?

"Sayang 'yong kape, Sir. Akala ko kasi, magkasama na kayo. Like the usual, you know?" sabi niya sa lalaki. Hindi niya pa kasi nakitang wala si Sir Gener sa tabi ni Hunter. Hindi niya nga alam kung ano eksakto ang trabaho ng matandang lalaki bukod sa baka ito ang orihinal na private secretary. Basta ang alam niya, kahit hindi niya pa mausisa, kung nasaan ang CEO, naroon dapat ang lalaki.

"Nag-almusal ka na ba?" tanong sa kanya ni Hunter.

"E... Hindi pa nga, Sir. Ang aga ko kasing pumasok ngayon."

Nagbuntonghininga ito. Tumayo at dinala ang kape nito sa mesa sa couch. Pagkatapos ay naupo.

"Then, let's have breakfast. Masyado pang maaga para magtrabaho. Anong ginagawa mo?" tanong nito habang nakaupo na parang hari.

Lumunok siya. Mag-aalmusal sila nang magkasabay? Mamamatay na ba siya kinabukasan kaya may ganitong reward? O baka naman masisisante na siya?

" 'Yong manual ng technical writing, Sir. Kinakarir ko," proud na sabi niya. Nananalangin na kapag nakita nitong nagseseryoso siya ay hindi siya sisantehin.

"Good," anito at humigop ng kape. "May croissant sa kitchen. Pakiinit, please."

Wow. Gusto niyang pumalakpak! Mukhang hindi naman siya masisisante! At first time nag-'please' ang lalaki sa kanya.

Nakangiti siyang nagtungo sa kusina at bumalik bitbit ang tray ng ininit na croissant kasama ang nakitang donuts. Dinala niya rin ang nakitang butter, jam at cheese.

"Kinuha ko na rin 'tong donuts, Sir," aniya rito at naupo sa couch.

Hindi ito umimik. Kumuha lang ito ng croissant na nilagyan ng butter at kumain.

Makalipas ang dalawang minuto ng salitang sulyap at katahimikan...

"Ang hirap lumunok ng pagkain, Sir. Chika naman tayo!" aniya rito. Nahihirapan siyang namnamin ang kinakain dahil sa presensiya nito. Sumusulyap ito pero wala namang sinasabi. Hindi niya mabasa ang nasa mukha.

Anne-Bisyosa (dela Merced #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon