I'm Sorry

20 1 0
                                    

I'm sorry for the way I broke your heart.

--

Dear EX,

Tinatawanan ako ng mga kaibigan ko dahil nag-leave ako ngayon sa trabaho. Sabi nila paano raw ako makaka-move on ng tuluyan kung sa tuwing ika-dalawa ng buwan ay lagi akong nagfi-file ng leave sa trabaho. Sa totoo lang, nakasanayan ko na iyon sa loob ng tatlong taon. Wala naman akong lakad o plano. Nasa bahay lang ako buong maghapon—at iniisip ka.

Tuwing monthsary kasi natin noon ay hindi kita nabibigyan ng sapat na oras katulad ng ibinibigay mo sa akin. Lagi akong busy sa pagtatrabaho at sa pag-aaral. Kaya naman, tuwing ika-dalawa ng buwan ay simpleng pagbati na lang ang nagagawa ko para sa'yo. Kung minsan pa nga ay nalilimutan ko iyon hindi tulad mo. Ikaw lagi ang nagpapaalala kung gaano na tayo katagal sa relasyon natin. Sa ating dalawa, ikaw 'yong mas vocal at mas sweet. Lagi mo sinasabi sa akin kung gaano mo ako kamahal at kung gaano ka kasaya nang dumating ako sa buhay mo. Lahat ng oras at atensyon mo, sa akin mo lang ibinibigay noon. Bagay na hindi ko man lang nagawa sa'yo.

Sorry. Alam kong huli na ang lahat para sabihin ko pa sa'yo 'to. But I am really sorry. Sorry sa lahat na naging pagkukulang ko. Sorry kung hindi ko naparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal at kung gaano ako kasaya dahil mayroong ikaw sa buhay ko. Sorry kung naramdaman mo noon na parang balewala ka sa akin. Sorry kung pakiramdam mo ay mas mahal mo ako.

Gustong-gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal at sorry kung hindi ko iyon nagawa dahil sa ibang mga bagay na naging priority ko. Ako ang laging inuuna mo, pero ikaw ang laging hinuhuli ko. At siguro nga ay isa rin iyon sa naging dahilan kung bakit umabot tayo sa pagdedesisyon, na mas mabuting tapusin na lang natin ang mayroon tayo.

Alam ko naman na kahit na anong gawin ko ngayon, hindi na no'n mababago ang katotohanan na wala na tayo. Wala na akong magagawa kahit ilang beses pa akong magsisi.

At kahit ilang litrong luha pa ang lumabas sa mga mata ko—alam kong hindi ka na no'n maibabalik sa akin.

MGN

Words For My EX (Epistolary)Where stories live. Discover now