I Love You

11 1 0
                                    

There is no one I would love the way I love you.

--

Dear EX,

It's always been you.

Pakiramdam ko wala na akong ibang mamahalin pa katulad ng pagmamahal na naibigay ko sa iyo. Pakiramdam ko hindi na ako muling sasaya pa kung hindi lang din naman sa piling mo.

Mahal kita. Mahal pa rin kita. Kahit lumipas pa ang madaming panahon, sigurado ang puso ko sa iyo. Ikaw pa rin ang hinahanap nito. Ikaw pa rin ang nilalaman nito. Ikaw pa rin ang minamahal nito.

'Yong pakiramdam na sa iyo ko lang naramdaman. 'Yong pagmamahal na sa iyo ko lang natagpuan. Hindi ko alam kung paano pa ako muling sasaya ngayong wala ka na sa piling ko.

Aaminin kong madalas kong hilingin sa Diyos na bigyan sana Niya ulit tayo ng pagkakataon. Na sana bumalik ka sa akin at sabihin mong mahal mo pa rin ako. Na sana tulad ko ay hinahanap-hanap mo rin tayo.

Nakakatawa 'di ba? Tatlong taon na pero ganito pa rin ako kabaliw sa iyo. Tatlong taon na pero asang-asa pa rin ako na babalikan mo ako. Hindi ko alam pero parang habang buhay na yata akong magiging kulang dahil sa paglisan mo.

At dahil doon isa lang 'yong sigurado ako, Mahal ko. Kahit lumipas man ang madaming panahon—mananatili ka dito sa puso ko.

MGN

Words For My EX (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon