Words From My EX

15 1 0
                                    

Mahal ko,

Alam kong magagalit ka sa akin sa oras na piliin kong iwanan ka at tapusin na tayo. Alam kong masasaktan kita kapag sinira ko ang mga pangako ko sa iyo, na magkasama tayo hanggang sa dulo. Pero sana dumating ang araw na mapatawad mo ako dahil pinili kong lumayo para sa iyo.

Araw-araw akong nagdarasal at humihiling sa Diyos na sana ay mapatawad mo ako. Araw-araw akong nagdarasal ng kaligtasan at kasiyahan mo.

Kahit kailan, hindi magbabago ang pagmamahal ko sa iyo. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito at ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa dulo ng buhay ko.

Hindi ko gustong iwan ka. Hindi ko gustong saktan ka. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal at kung gaano kasakit para sa akin ang iwanan ka, dahil wala akong ibang choice kung 'di gawin iyon para sa iyo. Malimutan ka man ng isip ko, hinding-hindi ka naman malilimutan ng puso ko.

Ayaw kong makita mo ang araw na unti-unti na akong naglalaho. Ayaw kong makita mo ang araw na kinatatakot ko—ang mawala ako ng tuluyan sa mundong ito. Pero wala naman tayong magagawa kung 'di ang magtiwala sa Diyos. Siya ang may alam ng lahat at naniniwala ako na mabuti pa rin ang plano Niya kahit na may ganitong sakit ako. Sa Kanya kita lubos na ipinagkakatiwala dahil alam kong ang pagmamahal Niya ang pupuno ng lahat ng kakulangan ko. Siya lang ang kailangan natin sa panahong hirap na hirap na tayo.

Mahal kita, Mahal ko, at maaaring wala na ako sa mundong ito sa oras na mabasa mo ang liham na ito. Gusto kong maging masaya ka pa rin kahit wala na ako. Gusto kong ituloy mo ang buhay kahit hindi na ako ang kasama mo. Patuloy mong abutin ang mga pangarap mo dahil kahit wala na ako, sobrang proud na proud pa rin ako sa iyo.

Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil hinayaan Niyang magkakilala at magkatagpo tayo. Hindi man kasing saya tulad ng kwento ng iba ang kwento natin, masaya pa rin ako sa mga panahong nakasama at naging akin ka.

Mahal na mahal kita at hindi no'n mababago ang kahit na anong sakit—at kamatayan na dumating sa buhay ko.

RJM

Words For My EX (Epistolary)Where stories live. Discover now