I Need You

11 1 0
                                    


You're that part of me I'll always need.

--

Dear EX,

Sinunod ko 'yong madalas na ipayo sa akin ng mga kaibigan ko. Subukan ko raw na kumausap ng ibang tao, para naman daw kahit na papaano ay nag-eexpand ang network ko at nakakakilala ako ng mga bagong kaibigan. Sa una ay okay naman, pero hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit sa tuwing medyo lumalalim na ang pakikipag-usap ko sa kanila ay bigla rin naman akong natitigilan at nawawalan ng gana.

Lalo na sa tuwing tinatanong nila ako kung kumusta ang araw ko, kung kumain na ba ako at kung ano-ano pa. Bigla-bigla na lang humahapdi ang puso ko sa mga simpleng tanong nila na gano'n sa akin. Bigla-bigla na lang din akong maiiyak—naaalala kasi kita. Tapos doon ko na-realize na kaya pala ganoon kasi wala akong ibang kailangan kung 'di ikaw lang.

Masakit pa rin sa akin lahat kahit na ilang taon na ang lumipas. At aaminin kong wala akong ibang kailangan kung 'di ikaw lang. Nahihirapan ako kahit na anong pilit ko na maging masaya. Kasi ang totoo niyan, ikaw lang naman ang kasiyahan ko wala ng iba.

Alam kong kailangan ko ng tanggapin na wala na tayo pero hindi ko naman mapipilit ang puso ko na limutin ka.

Magmula nang mawala ka sa akin—nakaramdam ng malaking kakulangan ang puso ko. At hindi ko alam kung paano ako sasayang muli. Hindi ko alam kung paano ako mabubuo muli. Kasi naman, natangay mo yata ang ilang bahagi ng puso ko ng ako'y iwan mo.

Kaya ito ako ngayon. Nananatiling kulang dahil wala ka sa buhay ko.

MGN

Words For My EX (Epistolary)Where stories live. Discover now