I Miss You

15 1 0
                                    

I miss you every day, every hour, and every second.

--

Dear EX,

Time check: 5:16 AM√

Pauwi na ako at kasabay ko 'yong ka-workmate ko. Topic namin 'yong pag-aaral niya sa interview niya kasi nag-apply siya ng internal job sa company na pinapasukan namin. Then suddenly, bigla kitang naisip.

Naalala ko noong mga panahong tinutulungan mo ako mag-aral para sa pag-aapply ko ng trabaho. Mga panahong tinutulungan mo ako at tinuturuan kung paano ako dapat sumagot sa interview. Ikaw pa nga ang nagco-compose ng sasabihin ko. Sa atin kasing dalawa, ikaw ang mas matalino sa lahat ng bagay. Bukod doon, ang galing din ng communication skills mo. Kaya nga siguro hulog na hulog ako sa'yo noong mga panahon na nililigawan mo pa lang ako. Dalang-dala ako sa paglalambing mo at sa mga words of wisdom mo. 'Yong hindi ko namamalayan ang oras sa tuwing ikaw ang kausap ko. Hindi tayo nauubusan ng pag-uusapan noon at never akong nagsawa na kausapin ka. Kahit araw-araw na tayong magkausap noon, namimiss pa rin kita.

Sa tuwing sinasabi ko noon na natatakot ako at parang hindi ko kaya, lagi kang nandyan para palakasin ang loob ko. 'Yong kahit ako mismo hindi na naniniwala sa sarili ko, nandyan ka pa rin para maniwala na kaya ko.

Marami akong insecurities sa sarili ko pero palagi mong ipinapaalala sa akin na sapat ako, na mahalaga ako, at mahal mo ako.

Kaso, hanggang pag-alaala na lang lahat sa'yo ang kaya kong gawin ngayon. Kahit gaano kita nami-miss, wala akong magawa.

Hindi na ako 'yong gusto mong makausap. Hindi na ako 'yong nagpapasaya sa'yo. Hindi na ako ang kailangan mo. Hindi ka na sa akin. Hindi na ako ang mahal mo.

Pero kahit na alam kong hindi na ako ang babaeng minamahal mo—hindi pa rin nagsasawa ang puso ko na mangulila sa iyo.

MGN

Words For My EX (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon