sinasabi sa 2 Timoteo 2: 19, "Ngunit matibay ang saligang itinatag ng Diyos, at tinatakan ng ganito, "NAKIKILALA NG PANGINOON KUNG SINU-SINO ANG SA KANYA," at "ang bawat tumatawag sa Panginoon ay dapat lumayo sa kasamaan."
Nakikilala ni Lord kung ano talaga ang tunay nating layunin, kung ano talaga ang tunay nating binabalak o kaya laman ng ating puso at isipan!
You don't have to be rich and wealthy to help people. You don't have to be a famous person to help people. You don't have to be a government official to help people. Dahil kahit ordinaryong mamamayan ka lang, ordinaryong tao ka lang, maaari kang tumulong at magbigay sa iyong kapwa. Alalahanin ang kwento ng dukhang babaeng balo na naghulog ng dalawang barya sa lalagyan ng kaloob sa Templo. Kahit dukha lang siya at balo pa, ay tumulong at nagbigay pa rin siya. Nagbigay siya nang bukal sa puso kahit buong ikabubuhay niya pa ang ibigay niya. Kahit sa isang simpleng bagay na pagtulong natin, pagbibigay natin nang buong puso sa ating kapwa ay isa na rin itong pagpapakita ng pagmamahal o pag-ibig. Sinasabi sa Lucas 6:30, "Bigyan mo ang bawat nanghihingi sa iyo; at kung may kumuha ng iyong ari-arian ay huwag mo nang bawiin pa ang mga iyon." Yes. Huwag na huwag nating tatanggihan. Guys, ang material na bagay ay mawawala rin naman satin. Hindi natin ito madadala sa kabilang-buhay.
Kaya guys, buong puso tayong magbigay. Even you are a poor in money or other kinds of materials, you are rich in love.
Ang ginagawa natin na mabuti sa kapwa, ay para narin nating ginagawa kay Lord.
Sinasabi sa Mateo 25: 34 - 40, "Kaya't sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan niya, 'Halikayo, nga pinagpala ng aking Ama! Pumasok kayo at tanggapin ang kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang daigdig. Sapagkat ako'y nagugutom at ako'y inyong pinakain; ako'y nauuhaw at ako'y inyong pinainom. Ako'y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako'y hubad at ako'y inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan.' Sasagot ang mga matuwid, 'Panginoon, kailan po namin kayo nakitang gutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya'y hubad at aming dinamitan? At kailan po namin kayo nakitang nagkasakit o nabilanggo at kayo'y aming dinalaw?'
Sasabihin ng Hari, 'Tandaan ninyo, NANG GAWIN NINYO ITO SA PINAKAHAMAK SA MGA KAPATID KONG ITO, SA AKIN NINYO ITO GINAWA.'
Guys, may reminder pa po ako. Kung gagawa po tayo ng mabuti, dapat hindi pakitang-tao. Yung gagawa ka lang ng mabuti para papurihan ng mga tao, no! Huwag ganoon! Kung gagawa tayo ng mabuti, kahit ginawa natin ito nang palihim ay huwag na nating ipost pa sa social media, huwag nang ipagpaka-ingay sa harapan ng maraming tao mapuri ka lang
Sinasabi sa Mateo 6: 1-4, "Pag-ingatan ninyong HINDI PAKITANG-TAO ANG PAGTUPAD NINYO SA INYONG MGA TUNGKULIN SA DIYOS. KAPAG GANYAN ANG GINAWA NINYO, WALA KAYONG MATATAMONG GANTIMPALA BUHAT SA INYONG AMA NA NASA LANGIT.
Kaya nga, kapag nagbibigay ka ng limos, HUWAG MO NANG IPAG-INGAY PA GAYA NG GINAGAWA NG MGA MAPAGKUNWARI SA MGA SINAGOGA AT SA MGA LANSANGAN UPANG SILA'Y PURIHIN NG MGA TAO. Tandaan ninyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Sa halip, kapag nagbibigay ka ng limos, HUWAG MO NANG IPAALAM ITO MAGING SA MATALIK MONG KAIBIGAN. GAWIN MO NANG LIHIM ANG IYONG PAGLILIMOS AT ANG IYONG AMA NA NAKAKAKITA NG KABUTIHANG GINAGAWA MO NANG LIHIM ANG SIYANG MAGBIBIGAY NG GANTIMPALA SA IYO."
Dapat guys maging totoo tayo sa ating pagbibigay, at magbigay tayo nang may pag-ibig☺️
Sinasabi sa Efeso 6:6, "Gawin ninyo iyan, MAY NAKAKAKITA MAN O WALA, HINDI UPANG MAPURI NG MGA TAO KUND DAHIL KAYO'Y MGA LINGKOD NI CRISTO AT BUONG PUSONG SUMUSUNOD SA KALOOBAN NG DIYOS."
Mga kapatid, huwag lang tayo sa mga kakilala natin magbigay, huwag lang sa kaibigan, kapamilya, kadugo o kakilala mo tayo magbigay. Magbigay rin tayo sa mga taong hindi natin kilala, magbigay rin tayo sa mga taong ginawan tayo ng masama before, magbigay rin tayo sa mga taong kaaway natin.
Sinasabi sa Lucas 6:27, "Subalit sinasabi ko sa inyong mga nakikinig sa akin: Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at GAWAN NG MABUTI ANG MGA NAPOPOOT SA INYO."
Lucas 6: 35-36, "Sa halip, mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at gumawa ng mabuti sa kanila. Magpahiram kayo na hindi umaasa ng anumang kabayaran. Sa gayon, malaking gantimpala ang tatamuhin ninyo, at kayo'y magiging mga anak ng Kataas-taasang Diyos. Sapagkat Siya'y mabuti kahit sa masasama at sa mga hindi marunong magpasalamat. Maging mahabagin kayo tulad ng inyong Ama na mahabagin."
Magbigay tayo mga kapatid sa ating kapwa, kahit ito man ay ating kaibigan, kapamilya, hindi kilala o maging ating kaaway.
Bago ko ito tapusin ang aking sinulid, mag-iiwan ako ng bible verses para sainyo❣️
Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram, na makatarungan sa gawain, sapagkat hinding-hindi siya matitinag. Laging maaalaala ang matuwid.
- Salmo 112: 5-6
Maluwag siya kung nagbibigay sa mga dukha; hindi nawawala ang mabuting paggawa niya, natatampok siya nang may luwalhati.
- Salmo 112:9
Ito ang ibig kong sabihin: ang nagtatanim ng kakaunti ay aani ng kakaunti, ang nagtatanim ng marami ay aani ng marami. ANG BAWAT ISA'Y DAPAT MAGBIGAY AYON SA KANYANG PASYA, MALUWAG SA LOOB AT HINDI NAPIPILITAN LAMANG, SAPAGKAT INIIBIG NG DIYOS ANG NAGBIBIGAY NANG MAY KAGALAKAN. MAGAGAWA NG DIYOS NA PASAGANAIN KAYO SA LAHAT NG BAGAY AT HIGIT PA SA INYONG PANGANGAILANGAN, upang sumagana kayo para sa mabubuting gawa. Tulad ng nasusulat, "Siya'y masaganang nagbibigay sa mga dukha; ang kanyang kabutihan ay walang hanggan."
- 2 Corinto 9: 6-9
Kapag nakita ng isang maykaya sa buhay ang kanyang kapatid na nangangailangan, at pinagkaitan niya ito ng tulong, masasabi bang siya'y umiibig sa Diyos? Mga anak, huwag lang tayo magmahal sa pamamagitan ng salita lamang, kundi patunayan natin ito sa pamamagitan ng gawa.
- 1 Juan 3:17-18
Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagtatrabaho ay dapat ninyong tulungan ang mahihina. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Jesus, 'HIGIT NA PINAGPALA ANG NAGBIBIGAY KAYSA TUMATANGGAP.'
- Gawa 20:35
Ang mayayaman sa materyal na bagay ay utusan mong huwag magmataas at huwag umasa sa kayamanang lumilipas. Sa halip, umasa sila sa Diyos na masaganang nagbibigay ng lahat ng mga bagay para sa ating kasiyahan. Utusan mo silang gumawa ng mabuti at magpakayaman sa mabubuting gawa, maging bukas-palad at matulungin sa kapwa. Sa gayon, makakapag-impok sila para sa mabuting pundasyon sa hinaharap, at makakamtam nila ang tunay na buhay.
- 1 Timoteo 6: 17-19
GLORY TO GOD! ALL THE TIME GOD IS GOOD! GOD IS GOOD ALL THE TIME!
PRAISE THE LORD JESUS ALWAYS!
-end-
YOU ARE READING
THREADS, SHARED KNOWLEDGE AND RANDOM THOUGHTS
Non-Fictionthis book is all about my threads posted in Facebook, the knowledge that I want to share to all of you and my random thoughts concerning religions, other cultures, and Bible.
PAGBIBIGAY
Start from the beginning
