Author's Note

1.8K 100 12
                                    

A U T H O R ' S   N O T E

Hello, readers or whoever's reading this. First of all, gusto kong magpasalamat sa pagsubaybay sa A Walking Canvas. Thank you for staying with me until the end, until we reach the final chapter of this story.

At first, mababaw lang ang pagkakatingin ko rito sa story na 'to. Parang normal lang na story, ang hindi lang siguro normal ay 'yong tungkol sa kondisyon ni Bliss Audrey na hindi naman common sa mga story. But as I write this story, as I get to know Bliss and the other characters I've got to have deep connection with it, with them.

Lalo na sa mga feedbacks na natatanggap ko. Parang wow, ang story na mababaw ang dating sa akin ay ang lalim na ng koneksyon na nabuo sa inyo. Super overhwelming na hindi ko alam kung paano hahanapin ang tamang mga salita para mapasalamatan kayo na mga nagbabasa.

Alam ko na maraming typos at lutang moment sa buong story. Na marami ring dry moments at may mga pagkakataon na tatamarin kang basahin. But you guys are too good to me. Na sa kabila ng mga 'yon ay nagbabasa pa rin kayo. Kaya utang na loob ko sa inyo ang lahat ng 'to.

MARAMING SALAMAT SA LAHAT. Katulad ng iba sa inyo ay umaasa rin ako na balang araw ay magiging libro rin ang istorya ni Bliss Audrey. Maraming salamat sa suporta. Maraming salamat sa tiyaga at sa lahat ng mga salita na binitawan niyo sa tuwing nagbibitaw kayo ng feedbacks sa akin.

See you on the second installment of this series, A Manacled Patient. Sana ay suportahan niyo rin ang story ni Tadeo katulad ng suporta na ibinigay niyo sa story ni Bliss.

May you all keep shining. Be a constant reminder to the people that not everyone can be perfect but anyone can choose to have a good heart. Be brave and be you. Always remember that you are loved. And that you are beautiful.

Thank you, to my readers. For being such a great dream come true to my life. Chase your dreams! 💕

- lynceno/Ate Lyn

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now