40: Life Threat

1.4K 84 6
                                    

CHAPTER FORTY
Life Threat

Mahigpit na yakap ni Kervin ang unang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang ng hospital room kung saan sila kasalukuyang naroon. Para bang alam niya na ako ang mabubungaran niya kaya hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay agad na niya akong dinamba.

Nakaramdam ako ng pagkahabag para sa kaniya dahil sa nakikita kong estado niya. Nakalimutan ko ang sariling sakit na kanina ay halos lamunin na ako dahil mas lamang at mas malalim ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ramdam ko sa mahigpit na yakap niya ang pinaghalo-halong pagod, takot, at kaluwagan na sabay-sabay niyang nararamdaman.

Sinubukan ko siyang ihiwalay sa katawan ko ngunit mas hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin na para bang doon siya humuhugot ng lakas para manatiling matino. Sa nahihirapang pwesto ay pinilit kong sinuyod ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

Mabilis na nabuhay ang takot at pagkahabag sa puso ko nang makita ang kalagayan ni Maxim habang payapang natutulog sa hospital bed na parang hindi nasasaktan gayong tadtad ng sugat ang halos buong katawan niya.

"Anong nangyari?" tanong ko habang nakapako pa rin ang paningin kay Maxim.

"I don't know," bakas ang takot sa boses na sabi niya habang iniiling ang ulong nakasiksik sa leeg ko. "We were on our way home when two cars came out of nowhere and started bumping ours."

"What?!" gulat na tanong ko kasabay nang pagkabuhay ng kakaibang takot sa dibdib ko.

Mabilis na inilayo ko siya mula sa akin na siyang hindi niya inaasahan kaya napabitaw siya sa akin. Sinuyod ko ng tingin ang kabuuan niya at doon napagtanto na katulad ni Maxim ay sugatan din siya. Kung ikukumpara kay Maxim ay mas malala ang natamo niya. Ngunit dahil mas mahina si Maxim ay mas malaki ang naging impact sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. "Anong sinabi ng doctor?"

"My bruises are fine in comparison to my son's."

Both of our eyes diverted to his sleeping son. "Do you have any idea who the perpetrator is?" Nanlulumong umiling siya. "Pero sigurado ka na sinadya na gawin sa'yo?"

"Hundred percent. I took the shortcut and you know that only few people knew that road. At bigla na lang sumulpot ang sasakyan na iyon mula sa kung saan at sinimulan kaming binangga mula sa likod."

Nahahapong napasandal ako sa sofa na nasa isang gilid habang si Kervin naman ay bumalik sa tabi ng anak. "Pinaimbestigahan mo na ba?"

"I don't have time. Mas importante ang kaligtasan ng anak ko."

Hindi na ako nakapagkomento pa dahil alam kong hindi ko magagawang maintindihan ang nararamdaman niya dahil ama siya. Kahit ako nasasaktan sa nakikita ko dahil mahal ko ang bata pero hindi no'n kayang pantayan ang nararamdaman ni Kervin.

Biglang sumigid sa akin ang matinding pagod sa paglapat ng likod ko sa malambot na sofa. Pikit ang mga mata na sumadal ako dahil sa pinaghalo-halong pagod at sakit na kanina kong naramdaman. Pero sa kabila ng lahat ng nararamdaman ko ay mas matindi pa rin ang nabuhay na kaba sa dibdib ko dahil sa napag-alaman ka Kervin.

Marahang hinimas ko ang dibdib ko kung saan kasalukuyang malakas na tumitibok ang puso ko dahil sa kaba. Pilit na pinapahupa ko ang ang mabilis na pagtibok no'n ngunit kahit anong pilit ko ay buhay na buhay na 'yon do'n.

"Ikaw? Okay ka lang ba?" mababa ang boses na tanong niya.

Napadilat ako ng mga mata sa tanong niya na iyon. Ngunit imbes na tingnan siya ay ipinirmi ko ang paningin ko kisame na para bang may sagot ako na makukuha roon. Pilit na hinalungkat ko sa utak ko ang dapat na isagot sa kaniya. Alam ko ang isasagot niya pero hindi ko magawang maisatinig ang sagot na 'yon. Hindi ako okay.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon