47: The Finale

2.6K 87 26
                                    

CHAPTER FORTY-SEVEN
The Finale


"Ano ba talaga ang ginagawa natin dito, ha?" ulit na tanong ko sa dalawang babaeng kasama ko.

Parehong nakaangkla ang mga braso nila sa magkabilang braso ko. Si Veda ang sa kaliwa habang si Isa naman ang nasa kanan. Hindi ko talaga alam kung saan nila ako balak na dalhin. Bigla na lang silang nag-aya na umalis.

Kasama rin namin sila Devyn at Donovan pero parehong nasa likod lang namin at hinahayaan kaming mga babae na pangunahan ang buong araw na ito. Walang reklamo na sumusunod lang sila kahit saan kami magpunta. Na sila Veda at Isa lang din naman ang nagdedesisyon dahil nagpapatinanod lang ako sa kanila.

Naguguluhan na nilingon ko si Devyn sa likuran ko. May misteryosong ngiti na naglalaro sa mga labi niya na hindi ko maarok kung ano. Mas lalo lang akong naguluhn ng sa kabila ng pagkibit-balikat niya ay hindi maampat ang ngiti na gustong kumawala sa mga labi niya.

"Bliss! Punta tayo ro'n!" masayang sabi ni Veda na ang tinutukoy ay ang Blue Magic store na katapat lang namin.

"May choice ba ako?" nakangiwing tanong ko.

Mas lumawak ang ngiti ng dalawa at sabay na umiling. "Wala."

Napapailing na nagpahila ako sa kanila nang magpatuloy sila sa paglalakad. Mabilis na nakakuha kami ng atensyon pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa loob ng store. Ang mga tingin ng tao ay nakasunod sa amin. Ang iba ay napatigil pa sa paghahanap ng mga mabibili.

Hindi naman na bago para sa akin na makakuha ng atensyon. Kahit noon pa man na binabalot ko ang sarili ko para itago ang balat ko ay pinagtitinginan na ako. Mas lalo lang talaga ngayong araw dahil pinilit ako ng dalawa na makipag-cool off sa mga hoodie ko at pinilit na magsuot ng dress.

And it's not just a simple dress. It's as if I am attending a homecoming with the dress, they want me to wear. Pinipigilan ko lang talaga na huwag makaramdam ng ilang lalo na at hindi naman gano'n ka-akma ang suot ko dito sa mall. Hindi ko lang makuha na tumanggi dahil sa sobrang ligalig ng dalawa at alam kong hindi ako titigilan hanghang hindi ako pumapayag.

They made me wear a pastel pink lace and tulle skater dress. It is sleeveless and the upper part has pink small butterflies embroidered on it together with small pink beads. The rest of the dress, from the waist part up to the last hem of it that rests just above my knee, is made out of the softest and lightest fabric that made the dress easy to wear.

The girls also made me wore a white 4 inches heels with a gold butterfly on the back part of it. Just like what I wore on the day Devyn asked permission to court me. They just let my hair fall and only put a light makeup on my face. Simple, pero elegante.

Ang nakapagtataka lang, ako lang ang kuntodo porma sa aming lahat. Naka-dress man ang dalawang babae, pero simple lang kung ikukumpara sa suot ko. Kaya hindi nakapagtataka na mas marami kaysa sa nakasanayan ang nakukuha kong atensyon.

Imbes na makaramdam ng ilang ay ngumiti na lang ako sa ilang sa kanila bago pasimple hinila ang dalawang babae sa direksyon na wala masyadong tao. "Anong gagawin natin dito?" mahinang tanong ko.

"May bibilhin tayo malamang."

Napasimangot ako sa sinabi na 'yon ni Veda. "Sabi ko nga po."

"'Ayun, Veda!" Napa-angat ang tingin ko kay Isa nang kulang na lang ay sumigaw siya habang may itinuturo sa mataas na estante. "Can you get it for me, Donovan?" tanong niya sa lalaki na ang tinutukoy ay and kulay puti na katamtaman ang laki na teddy bear.

Umarko ang isang kilay ko sa hindi mabalanse na kaisipan. Isa is not the type of woman that would like teddy bears or stuff. She's boyish and likes manly stuffs most of the time. Madalang lang din siyang magsuot ng dress na mas lalong nakadagdag sa pagtataka ko dahil nakasuot siya ng bestida ngayon.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora