07: Accept

3.6K 262 61
                                    

CHAPTER SEVEN
Accept

"Hey schön."

Nangunot ang noo ko sa munting tinig na 'yon na gumigising sa diwa ko. Pinanatili ko ang pagkakasarado ng mga mata ko habang naka-indian seat sa hinigaan ko kagabi. I just woke up from my sleep and I still feel sleepy even though I've already got sufficient hours of sleep. Hindi ko na kailang na mag-imagine kung ano ang itsura ko dahil alam ko naman na sabog ang buhok ko at puffy ang mukha ko.

"Hey, open your eyes. Kailangan mo nang kumain."

Narinig ko na naman ang boses ni Devyn na tinatawag ako. Pero ayaw pa talagang bumukas ng mga mata ko at ayaw pang kumilos ng katawan ko. Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng net na part ng tent na nagsisilbing harang sa aming dalawa. At maya-maya lang ay naramdaman ko ang pagsundot niya sa mukha ko na para bang isa akong bagay na nakamamangha. Which is not true, at all.

"Hey. Gising na para makakain ka na," sinabi niya iyon habang patuloy pa rin na sinusundot ang mukha ko. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang nakangiting mukha ni Devyn na parang tuwang-tuwa pa na tinititigan ako sa ganoong kalapit na distansya.

"Atras na," mahinang utos ko.

Pinisil muna niya ang pisngi ko bago umatras at muling naupo sa portable chair niya. Napansin ko rin na nakaligpit na ang mga gamit niya at ang part ko na lang talaga ng tent ang magulo. Napasimangot ako sa naisip ko. Kung bakit ba naman kasi tulog mantika ako, e.

"Maghilamos ka na para makakain ka na." Napalingon ako sa kanya. Umiinom na siya ng kung ano sa tasa na hawak niya. "Kinuhanan na kita ng pagkain kanina."

Dumako ang tingin ko sa isang plato at tumbler na nasa harapan ko. Totoong may pagkain na roon na nakahanda. Pinigilan ko ang mapangiti sa ginawa niya. Bukod sa mga katangian na napansin ko sa kanya kahapon ay may binubuksan na naman siyang kurtina para makita ko ang isa pang side ng pagkatao niya. He's also sweet.

"Maghihilamos lang ako," imporma ko sa kaniya.

Tumango siya sa sinabi ko. Naglabas ako ng face towel mula sa bag ko at ang pouch ko na naglalaman ng mga kakailanganin ko. Hindi pa naman tirik ang araw kaya hindi ko na kailangan na maglagay pa ng sunblock.

Unang bumungad sa akin pagkalabas ko ng tent ay ang malamig na hangin. Hindi naman na iyon nakapagtataka dahil puno ng puno ang buong paligid. Iginala ko ang paningin ko at napangiti ng makita na kanya-kanya nang kain ng almusal ang mga kasamahan namin sa mga tent nila.

Nakahilera sa magkabilang gilid ang mga tent at tanging kami lang ni Devyn ang walang katapat dahil mas malilim sa pwesto kung saan kami na-assign. Sa pinakadulo ng buong lugar makikita ang station kung saan puwedeng manghiram ng mga gamit.

Aalis na sana ako patungong banyo na nasa pinakadulo ng lugar nang maramdaman ko ang pagpigil ni Devyn sa braso ko. "Bakit?" nagtatakang tanong ko.

Walang salita na hinubad niya ang itim na jacket na suot niya at ipinatong 'yon sa magkabilang balikat ko. At dahil malaki ang jacket na 'yon para sa maliit na bulto ko ay nagawa na no'n ns sakupin ang buong katawan maging ang kalahati ng hita ko. Kuntentong pinasadahan niya ako ng tingin bago ngumiti sa akin.

"There you go," he said before pushing me lightly to take a step.

Sa kabila ng kakaibang pintig ng puso kong walang dudang idinulot niya ay naglakad na ako hanggang sa marating ko ang hilera ng limang banyo sa gilid ng malaking puno ng mangga na ilang metro ang layo mula sa pwesto ng mga tent.

Mabilis na tinapos ko ang paghilamos at pagsepilyo at agad ding nakabalik sa loob tent naming dalawa ni Devyn. I saw him still sitting on his portable chair but when he saw me coming, he immediately stood up and made me took his spot.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon