41: The Connection

1.4K 88 15
                                    

CHAPTER FORTY-ONE
The Connection


Nangunot ang noo ko sa mahinang ingay na nagmumula sa gilid ko. Sa kabila ng musika na naririnig ko mula sa earphones na nakasalpak sa magkabilang tainga ko ay rinig ko pa rin ang pagsasalita ng tao sa tabi ko na tila kinakausap ako. Bagaman sarado ang aking mga mata ay kusang nakikila ng katawan at puso ko kung sino siya.

Naramdaman ko ang paglapat ng daliri niya sa noo ko na inaalis ang pagkakakunot no'n. Hindi ako sigurado kung alam ba niya na gising ako o hinahayaan niya lang na magpanggap akong tulog nang sagayon ay magawa niya ang mga gusto niya at masabi ang mga bagay na hindi ko magawang mapakinggan kapag kaharap siya. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya rito o kung sino ang nagpapasok sa kaniya.

"I'm really sorry for what I did, baby," he whispered.

I can feel his stares on me, the intensity of it. I badly wanted to open my eyes so that I can see him, but I stopped myself from doing so. Mas gustong pakinggan ang sasabihin niya. Siguro sa paraan na 'yon ay makuha kong huwag makaramdam ng galit at maging bukas ang isip para sa kaniya. Na huwag pairalin ang sakit at piliit na manaig ang pagmamahal ko sa kaniya.

Siguro tama din si Ken na dapat ay pakawalan ko na lang ang sakit ng ginawa niya. Siguro mas mainam na tingnan ko na lang ang mga masasayang bagay na naibigay niya kaysa sa sakit na sumira sa aming dalawa. Siguro, puro siguro.

Kaso nang dahil sa ginawa niya ay hindi ko alam kung alin pa sa mga kilos niya ang totoo. Kung ang lahat ba ng mga ikinilos niya ay totoo at dahil sa pagmamahal. O ang dahilan lang no'n ay ang dahil kailangan niya ako, hindi sa paraan na inaasahan ko.

Gustong-gusto kong bumalik kami sa dati. Gusto kong maging gano'n pa rin kami sa isa't isa. Pero mahirap. Mahirap dahil sa kaniya na mismo nanggaling na hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya. Paano ako magpapatawad ng kasalanan kung hindi naman 'yon pinagsisisihan nang nagkasala?

Ang kamay niya ay umangat mula sa tuwid ko na ngayong noo paakyat sa buhok ko. Marahan niya iyong hinawakan, ingat na ingat ang bawat pagkilos. "Mahal na mahal kita, Bliss Audrey. Alam ko na kalabisan na hilingin na bumalik ka na sa buhay ko. Alam ko na dapat hayaan na lang kita, bilang kabayaran na rin sa mga nagawa ko pero..." Naramdaman ko ang pagtigil ng kamay niya na humahaplos sa buhok ko. "Mahal kita, e. Ikaw ang dahilan kung bakit ginusto kong mabuhay ulit nang mga panahon na pagsuko na lang ang pinakamabilis na pagpipilian. I wanted to die, Bliss. There was a point in my life that I just wanted to kill myself and die.

"But you came. You let me escape the prison that I've jailed myself into. You broke down my defenses. Kaya please, forgive me, baby. Huwag mo namang sabihin na ngayon ka pa susuko kung kailan mahal na mahal na kita. Tinalikuran ako ng pamilya ko dahil sa sarili kong kagagawan. I admit that when I first saw you, I initially thought of my thesis. Dahil kailangan kong pumasa. Dahil kailangan kong may mapatunayan sa pamilya ko na sa kabila ng mga pagkakamali ko ay may kuwenta pa rin akong anak para sa kanila." A sob escaped his mouth that was immediately followed by another, and another, and another.

At sa kabila nang nakapikit kong mga mata ay napuno nang luha ang mg 'yon dahil sa mga naririnig ko sa kaniya. I can hear the truthfulness in his words. That what he was saying is the reflection of what he was feeling before.

Sa bawat salita niya ay hirap na hirap siya. Na para bang sa bawat buka ng bibig niya ay kinakapos siya ng hininga sa sobrang tindi ng emosyon na naramdaman niya noon at nararamdaman niya hanggang ngyaon. Ramdam ko ang sakit at hirap na pinagdadaanan niya dahil minsan na rin akong humantong sa gano'ng sitwasyon.

Isang sitwasyon na gusto mo na lang hilingin na huwag na lang makaramdam. Isang sitwasyon na hinihintay mo na lang na kusang tumigil ang sariling paghinga dahil sa paulit-ulit na pagsampal sa'yo ng mundo na wala kang halaga. Sitwasyon na sa sobrang bigat ay hindi ko alam kung magagawa ko pa bang umahon.

A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now