"diamoní," bulong sa akin ng Disciple.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang umalis siya sa harapan ko. Dahan-dahan akong napatingin sa patalim na nakatarak sa sikmura ko.

I can't take it out.

"Xena!" Rinig kong tawag nina Raze at Tana.

Nanlalabo ang paningin ko at nakararamdam ako ng panghihina. Paulit-ulit kong naririnig ang pagtawag sa pangalan ko na unti-unting pahina nang pahina.

Slowly, my eyes are getting blurry too.

I can't die here.

I haven't found the Grimoire yet.

I haven't fulfilled my promise.

I haven't seen him yet.

Dahan-dahan akong napaluhod sa lupa habang hawak-hawak ang sikmura ko.

"Freaking brats! I'm gonna kill you all!" sambit ng babaeng kaharap ko.

Tumatawa ito mag-isa bago niya binigkas ang spell na nagpataas ng balahibo ko.

"potamós lávas," sambit ng Disciple.

Pare-pareho kaming nakaramdam ng init nang nagsilabasan ang apoy sa paligid. Unti-unti, naging painit nang painit. Ang dagat ng apoy sa kagubatan ay dahan-dahang nagbago.

They turned into lavas. A Rank SS spell.

"Have a safe trip in hell!" natatawang sambit ng Disciple. Garagal ang boses niya habang tumatawa.

Napaismid ako sa sinabi niya. Pilit kong hinihila paalis ang patalim na nakatarak sa sikmura ko pero walang nangyayari.

Napahawak ako nang mahigpit sa lupa at mariin akong napakagat sa ngipin ko.

I kept resisting it... but it it looks like I don't have a choice.

Kahit anong pilit kong ipagtabuyan ang kakayahan ko ay hindi ko ito matatakasan.

Para bang muling nandilim ang paningin ko at wala na akong maaninagan. Walang buhay ang mga mata ko nang umangat ito.

There's no light... just pure darkness. In this place, there's an obstacle that kept me from moving forward...

Dumeretso ang tingin ko para makita ang balakid na 'yon. It's not like other obstacles, such as tall walls or deep sea.

The moment I glance at the obstacle, our eyes met. Parehong kulay ng mga mata, haba at kulay ng buhok, hugis ng katawan...

That obstacle... was me.

I gave up of my dreams because of this. Because I know. My existence itself might cause the destruction of the world of magic.

"Mataíosi," walang kaemo-emosyong sambit ko.

Unti-unting natanggal ang patalim na nakatarak sa sikmura ko.

"therapévo," muli kong sambit.

Naramdaman ko ang dahan-dahang pagsara ng sugat ko. Ni bakas man lang ng pagkasasaksak ay nawala rito. Dahil doon ay nagawa kong makatayo na kinabigla ng Disciple na kaharap ko at ng mga kasama ko.

"Y-Ya? Paano mo natanggal iyon?!" hindi makapaniwalang sambit ng Disciple sa akin.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko.

"ílios," sambit ko.

Kung parang impyerno na dahil sa sobrang init dito dulot ng spell na ginawa ng Disciple ay tila dumoble ang init nito dahil sa ginawa ko. Walang kinumpara ang mga lava sa bolang unti-unting nabubuo sa kamay ko.

Napaawang ang bibig ng Disciple sa narinig. Wala siyang nagawa kung hindi mapahakbang paatras.

"A C-Cipher spell," hindi makapaniwalang sambit niya.

Nanatili siyang nakatingin sa kamay ko. Kahit hindi man lang ito pareho ng laki ay pareho sila ng init. Sa kabila ng dilim ng gabi, parang umaga dahil sa biglaang pagliwanag.

I'm holding a replica of a sun.

"P-Pero paano?! Imposible! Kami ang mga witches na pinili ni Astria!" naguguluhang sambit ng Disciple.

Naglakad ako papalapit sa kaniya, hawak-hawak ang bolang apoy habang humahakbang siya paatras. Bumagsak pa ito pero nanatili pa rin siyang umaatras sa akin.

"You see... I'm not as bad as you think," walang kaemo-emosyong sambit ko.

With just a snap of my fingers, the ball of fire in my hand disappeared.

"Hindi kita susunugin ng buhay," muli kong sambit.

"Bagkus, hihilingin mo na gano'n na nga lang talaga ang ginawa ko," malamig na dagdag ko.

Puno ng takot ang mukha ng babaeng kaharap ko. Pero wala na 'kong nararamdaman na awa ngayon.

Everything... everything feels... nothing.

"ektélesi," walang ganang sambit ko. Malamig ang boses ko na sinabayan ng malamig na paghampas ng hangin.

Nagsilabasan ang itim na tinta sa balat ng Disciple na kaharap ko. Mas lalong bumakas ang takot sa mukha niya. Sinubukan niya itong tanggalin pero wala siyang nagawa.

"I-Imposible.... Sino ka?" naiiyak na sambit niya.

"K-Kaano-ano mo si Astria?"

Nagsimulang kumalat ang itim na tinta at dahan-dahang nalalagas ang balat niya. Pilit niya itong kinakiskis paalis pero walang nangyayari.

"H-Her companion?"

"An acquaintance?"

"A-A relative?"

"O-Or a student?-"

Sunod-sunod na tanong ng Disciple na kaharap ko. Hindi ko mapigilang mapangisi sa huling sinabi niya. Sa kabila ng damdamin kong walang maramdaman at mga mata kong walang buhay, nagawa ko pa ring pilit na ngumiti.

This is it. I can't hide it. Ito ako. Ang totoong ako.

"I'm the greatest witch of all time."

"Xena D. Astria."


Mageía High: Grimoire of AstriaWhere stories live. Discover now