Chapter 29

4 0 0
                                    


"I know it's unfair
Am I being selfish? (stop it)
Your eyes, your nose, your lips
I wanna be the only one who looks at you, (I miss you baby)"

~*~

Siya mismo ang umiwas sa akin.

Yes, I do find it awkward bumping into him considering what happened last night. But I never imagined it will be this hard seeing him obviously ignoring me.

"Hoy, bigla ka nawala kagabi!" bungad ni Mia kay Gavin nang makasalubong namin siya.

Wala ang usual na masayang aura niya.

Or am I just imagining things?

"May tinapos lang, Mi. Kayo naman, masyado niyo akong namiss agad," aniya na sinamahan ng ngiting hindi man lang umabot sa mata niya. Taliwas sa ngiting madalas kong makita sa kanya.

"Awit," Bahagya akong nilingon ng kaibigan, "Ano, naniniwala ka rito, Bree?"

"Ah—"

"Paano, pasok na ako." Putol niya sa sasabihin ko.

"Tignan mo 'to. Bastos kausap. Hmp!" Narinig kong komento pa ni Mia.

Itinikom ko na lamang ang bibig ko habang nakatanaw sa likod ni Gavin.

Hindi ko alam kung anong problema niya pero nang mga unang araw ay masasabi kong nagugustuhan ko pa nga ang pag-iwas niya. Naiintindihan ko pa.

Siguro ay nakapag-isip na rin siya. Tapos ano, nahiya rin siya sa mga nasabi niya. Patawa. Maybe he realizes it's just.. a fleeting feeling. Tss.

Maiintindihan ko naman 'yon. Hindi naman 'to ang unang beses. Gano'n din ang ginawa sa akin ni Marco eh. Magkaibigan nga sila. Bwisit.

Nag-angat ako ng tingin nang marinig kong tinawag ako ni Lance.

"Pinapatawag ka ni Ma'am Lauren," aniya at saka tumalikod.

Mabilis gumapang ang kaba sa akin matapos marinig ang pangalang binanggit ni Lance. Wala sa sariling napalunok na lamang ako at nang magtama ang tingin namin ni Mia, ay pilit akong ngumiti. Alam kong nag-aalala rin siya para sa akin.

Huminga ako ng malalim nang nasa tapat na ako ng area nila Ma'am Lauren. Kaya ko 'to!

"Maupo ka, Aubree." Kumpara nang huli akong pumunta rito ay mas marahan ang tono ng boses ni Ma'am Lauren ngayon. "Heto ang mga design mo, tama ba?" aniya saka inilatag sa harap namin ang apat kong design.

Mariin kong pinagdikit ang mga labi ko, kahit pa nga mahinahong sinabi 'yon ni Ma'am ay hindi ko pa rin mapigilan ang kabang nararamdaman.

"Y-yes po."

"Ito ang design na may pinabago kami ni Madam, tama?" Nag-angat ng tingin sa akin si Ma'am at sinalubong ko 'yon ng pagtango. "Okay na tayo rito. Nagawa mo naman ang revisions namin kaya approved na 'yan ni Madam. Wag nang patagalin 'yan," pahabol niya saka iniabot sa akin ang design.

Hindi ko alam pero nagawa kong ngumiti habang kinukuha 'yon.

"Ngayon dito tayo, para sa dalawang title na ba 'tong tatlo mong pinasa, 'nak?"

"Ahm, para lang po.. sana 'yan sa isa. For options lang po kaya tatlo ang pinasa ko," sagot ko.

Nakita kong marahang tumango si Ma'am Lauren habang sinusuri ang design.

"Nagustuhan namin 'tong lahat ni Madam. May kaunting adjustment lang dito," Lumapit ako para mas matignan ang mga ituturong for revision ni Ma'am. "Bale, ang gawin mo rito sa dalawang design ay pagsamahin mo. Ibig kong sabihin, 'tong klase ng font mo na 'to at ang kulay na ginamit mo rito ay ilagay mo sa lineart mong 'to," aniya saka kumuha ng ballpen para magsulat sa likod ng dalawang design na tinutukoy niya, pinagdikit niya rin ang dalawang 'yon gamit ang stapler. "Nakuha mo ba ang sinabi ko, Aubree?"

UNFAIRWhere stories live. Discover now