Chapter 22

1 0 0
                                    


"If my friend saw me,
he would've cursed at me"

~*~

"Aubree.."

Hindi ko napigilan ang pasimpleng mapalunok at natuod mula sa kinatatayuan ko. Para akong nahuli sa isang kalokohan na binabalak ko pa lang naman gawin.

"Hoy! Lalaki mabuti naman at dumating ka na! Anong klaseng lamesa 'to? Or lamesa pa ba matatawag 'to o basurahan?" Mapang-asar na komento ni Miko.

Pinanuod ko siya nang nagpagpag siya ng kamay niya sa pants niya saka tumayo. Ni hindi ko namalayan na lumuhod na pala siya sa tiles para ang drawer naman ni Marco ang halungkatin. Gano'n ba talaga kahirap hanapin ang hard drive na 'yon?

Sunod na nahagip ng tingin ko ang pagmanipula ni Marco ng mouse niya, para mailipat sa ibang tab ang naka-display sa screen ng mac niya. Naningkit ang mata ko dahil sa naging kilos na 'yon ni Marco.

Dala ng pag-eksena ni Miko ay sa kanya bumaling si Marco pagtapos. Kahit paano ay nakahinga ako ng maluwag dahil do'n.

"Huh? A-ano 'yon?" Tila wala pa rin sa sariling sagot nitong si Marco. Na kay Miko na rin ang atensyon niya kaya malaya ko na siyang natitignan.

"Ha? Hakdog! Asa'n hard drive ko boy? Hindi kayo marunong magsauli." Napairap na sumbat pa ni Miko.

Sa kabila ng kaba na naramdaman ko kanina ay nagawa ko pa rin ang mahinang mapatawa dahil sa mga sinasabi ni Miko ngayon.

"Ah, ayon ba?" Sa wakas ay tila natauhan na rin si Marco. Nag-umpisa na rin siyang halughugin ang nakakalat niyang gamit sa mesa.

Lalo naman umasim ang mukha ni Miko habang pinapanuod si Marco.

"Earth to Marco. Marco to Earth. Sabog ka na naman ba boy? Wag mong sabihin pati ikaw hindi mo alam kung saan mo inilagay o dinala ang hard drive ko?" Nang hindi sumagot si Marco at nagpatuloy lamang sa paghahalungkat ay lalong ngumawa si Miko. "Hoy! Tangina, Marco. Seryoso nga?!"

I heard Marco clicked his tongue, pressure na rin siguro sa ingay nitong si Miko.

"Teka lang, Miko. Maghintay ka," agap nito.

Naramdaman ko ang paglapit ng nakaupo rito sa katabing table ni Marco. Umalis ako mula sa pagkakasandal para na rin magbigay daan sa kanya. Nakita kong inabot niya ang tumbler niyang nasa gilid ng mesa, saka uminom do'n. Nanatili ang mata ko at pinanuod ang pag-inom ng tubig ni Gavin.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa 'yon. Like seryoso, kailan pa naging nakakaaliw na bagay ang panunuod sa pagbaba at pagtaas ng adams apple ng isang lalaki?

Ilang beses akong kumurap at lihim na binatukan ang sarili sa utak. Saktong bumalik ako sa katinuan at akmang mag-iiwas na ng tingin nang huminto sa pag-inom si Gavin, at nakangising sinalubong ang mata ko.

"Wag kang ganyan makatingin, Aubree. Iisipin ko na talagang bet mo ako," aniya sa mapang-asar na tono.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya. Pakiramdam ko kinilabutan ako sa paraan ng pagngisi niya, hindi ko tuloy naitago ang pagkadisgusto sa ideya niya.

"A-assuming ka rin eh 'no?"

Saan nanggaling ang boses kong 'yon? Bakit imbes na mataray ay parang asong naduwag pa ang buntot ang naging dating ng sinabi ko? Bakit kailangan pa akong mautal?

Dahil na rin siguro medyo guilty ako.

Hindi dahil sa iniisip niyang bet ko siya, kun'di dahil sa paninitig ko sa kanya kanina.

UNFAIRWhere stories live. Discover now