Chapter 6

4 1 0
                                    


Kinabukasan ay mag-isa akong pumasok. Masakit pa raw ang ulo ni Mia kaya hindi ko na siya pinilit, aniya ay baka mag-half day na lamang siya. Marami rin ang late actually.

Tinawanan ko si Marco matapos ko siyang makasalubong nang palabas ako sa office. Pupunta ako sa restroom at saktong pagtulak ko ng glass door ay siya namang paghila niya rito. Nakasuot pa sa ulo niya ang hoodie niya. Nagtatago ang loko!

"Oh! Late ka na!" kunwari ay nagulat pa ako, pero sa totoo lang ay inaasar ko lang siya.

Nakita ko ang mabilis na paglingon niya sa bandang area nila Ma'am Lauren, nilingon ko rin 'yon at natanaw na may kausap si Ma'am. Nakaligtas 'tong si Marco.

Pinanlakihan niya ako ng mata, akala niya naman masisindak niya ako. Tinawanan ko lang siya, then mouthed sorry to him, kahit hindi ko naman talaga meant. Hinawi niya ako saka siya nagmamadaling dumiretso na sa pwesto niya.

Napailing na lamang ako saka dumiretso na sa restroom.

Naglalakad na ako pabalik nang marinig ko ang boses ni Ma'am Lauren.

"Sam, punta ka nga sa mga artist. Silipin mo kung kompleto sila," utos ni Ma'am Lauren sa isa pang assistant niya.

Ilang saglit lang ay nakita ko na si Samantha, sa tapat ng glass door papunta sa amin. May pagmamadaling humabol ako sa kanya.

"Huy, Sam!" tawag ko sa kanya nang nasa likuran niya na ako.

Nilingon niya ako saka ngumiti sa akin.

"Magandang umaga, Aubree. Kumpleto ba kayo sa loob?" tanong niya sa akin.

Hindi ko napigilan ang mapangiwi sa paraan ng pagbati niya. Muli akong humakbang palapit sa kanya at nauna na akong humawak sa glass door para pagbuksan din siya.

"May mga ilan pang wala.. bakit?" sagot ko sa tanong niya nang makapasok na kami. "Anong meron, Sam?" usisa ko pa nang tuluyan ko nang maisara ang pinto.

"Hindi ko rin alam, Bree. Basta inutusan lang ako ni Ma'am Lauren na tignan kung kumpleto kayo." Kibit balikat niyang sagot sa akin.

Kasabay ko siyang naglakad papasok. Dumiretso ako sa upuan ko bago ko 'to inikot paharap pa rin sa kanya. Nakita kong inilibot niya ang mata sa lugar.

Wala si Mia, Gavin, Drew, Kuya Oliver at Ate Roxanne. Nakita ko ang bahagyang pagnguso ni Samantha matapos makita na medyo madami ang wala. Ngumiti siya sa akin nang magtama ang tingin namin saka siya tumalikod at lumakad na paalis.

Bakit kaya kami pinapatignan ni Ma'am Lauren? Anong meron?

Nasagot ang tanong ko pagtapos nang noon break.

Gaya ni Mia, ay half day din sina Gavin, Drew at Ate Roxanne. Bale ang hindi lang talaga pumasok ay si Kuya Oliver.

Tahimik ang lahat, abala sa kanya-kanyang ginagawa. Tanging tunog lang ng heels ni Ma'am Lauren nang maglakad siya sa pasilyo namin ang maririnig sa office.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang dumiretso kay Sir Lindon, creative director namin. Kasunod niya ang dalawang supervisor niya na sina Natalia and Chelsea. Sunod kong naramdaman sa likuran ko si Vernice, nang lingunin ko siya ay ngumiti lamang siya. Nahagip din ng mata ko si Samantha na nasa pwesto naman nila Sheena.

Anong meron at nandito silang lahat?

"Okay, everyone. Can I have your attention for a while," bungad ni Ma'am Lauren sa amin.

Nakatayo siya sa may bandang dulo at nasa likuran niya si Sir Lindon, yung dalawang supervisor ay nakita ko ring gumilid.

Pinihit ko ang swivel chair ko paharap sa kanya matapos marinig ang sinabi niya, maging si Denny ay nakita kong inikot na rin ang upuan niya paharap kina Ma'am. Umakbay sa akin si Vernice kaya naman pinalupot ko rin ang kaliwang braso sa beywang niya.

UNFAIRWhere stories live. Discover now