Chapter 20

1 0 0
                                    


"But if you play games with me
It'll be too cruel"

~*~

Kumunot ang noo ko nang magtama ang tingin namin ni Gavin. Ang aga-aga ano na naman bang problema nitong lalaking 'to?

Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil sa pagkairita sa sunod niyang ginawa. Tinanggal niya lang naman ang earphones mula sa tainga ko. Bago ko pa mabugahan si Gavin ay naramdaman ko na ang pag-angkla ni Mia sa braso ko.

"Tara na Bree," ani Mia na mahihimigan ang sarkasmo sa tono.

Nabaling sa kanya ang atensyon ko, at nang sinundan ko ang direksyon ng mga tingin niya ay napansin kong nanlilisik ang mga mata niya ngayon habang nakatingin kay Marco, na nakatuon pa rin sa akin ang mga mata.

Mabilis akong nagbawi ng tingin, para akong napapaso sa mga tingin ni Marco. Sunod kong hinila mula sa pagkakahawak ni Gavin ang earphones ko, pagtapos ay ako na mismo ang humila kay Mia paalis sa lugar.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makasakay na kami sa elevator. Mabuti na lamang at hindi agad sumunod sa amin sina Marco at Gavin.

"Tarantado talaga ang Marco na 'yon. May gana pa talaga siyang ibalandra ang pagmumukha niya? Huh! Panira ng umaga." Nagpaulan na naman ng mura niya si Mia, hindi ko tuloy napigilan ang bahagyang pag-angat ng labi ko.

Sa inaakto ni Mia ay parang siya pa ang ginawan ng hindi maganda ni Marco.

Kanina paggising ko, binasa kong muli ang naging palitan ng messages ni Mia at Marco. Nakita kong nagreply nga ulit si Mia kay Marco, binawi niya ang naunang sinabi at inilusot na nagbibiro lamang siya sa naunang message, na masyado lamang patola ang lalaki. Habang binabasa 'yon kanina ay hindi ko napigilan ang malungkot na mapangiti.

Pasalamat na rin ako kay Mia na nagawa niyang ilusot 'yon kahit paano. Mas mabuti nga sigurong gawing biro na lamang ang nararamdaman ko, kaysa ang patuloy akong umasa sa wala.

Akala ko okay na dahil mukha naman kapani-paniwala ang naging huli nilang palitan ng mensahe, hindi ko inasahan ang naging paglapit sa akin ni Marco. At ang mga mata niya, hindi ko lubos maintindihan pero para akong naliliyo sa paraan ng pagtitig niya kanina. Nakakatanga. Nakakaloko.

Early in the morning and he's misleading me again.

"Anak ng tupa!"

Napapitlag ako nang may sumundot sa magkabilang tagiliran ko. Bago ko pa man magawang lingunin ang may kagagawan ay nangibabaw na ang malakas niyang tawa rito sa silid.

"Ang lakas pa rin ng kiliti mo, Aubree," aniya pagtapos at umikot para pumunta sa kabilang bahagi nitong mesa, kaharap ko.

Kung nakakapatay lang ang tingin ay kanina pa nakabulagta 'tong si Gavin. Sa lahat ng pagkakataon na binubwisit niya ako ay pinapalampas ko siya, pero ngayon hindi ko yata kayang magpasensya.

Nawala ang ngisi sa mukha niya at diretso lamang ang tingin sa akin nang muling magsalita.

"Ayan, much better." Nagsalubong lalo ang mga kilay ko dahil sa narinig.

"...kanina ka pa parang lutang. Akala mo naman talaga nag-iisip siya. Tss." Pahabol niyang asar sa akin saka may pag-iling pa nang magbawi ng tingin.

Napairap ako saka mabilis na kumilos ang kamay ko para dumampot ng maaring ipambato sa kaharap.

"Hoy! Deliks yan, Aubree. Tignan mo at nakalabas pa ang blade niyan, ibaba mo nga 'yan." Natatarantang saway niya sa akin.

Tamad kong binalingan ang nakataas kong kamay. Nakausli pa nga ang blade nitong cutter, kaya naman pala gano'n na lang ang naging reaksyon niya. Pabagsak kong ibinaba ang kamay ko saka nagbuntong hininga.

UNFAIRWhere stories live. Discover now