Chapter 28

2 0 0
                                    


"I'm already calling you again
I know it's really strange
But don't say anything and just listen"

~*~

Ang gaan sa pakiramdam ng naging pag-uusap namin ni Mia, masasabi kong mas naging bukas kami sa isa't-isa matapos namin ilabas ang mga saloobin. I think everything is good, kaso ang hindi naman mawala sa utak ko matapos 'yon ay ang kaisipang.. nakita ako ni Gavin sa pagdadrama ko!

Matatanggap ko pa kung si Mia 'yon or kaya yung hindi ko na lang kakilala, kaso hindi eh. Of all people si Gavin pa talaga?

Mariin akong napapikit nang maalala na naman ang nangyari kagabi. Shocks! Nakakahiya, paano ko haharapin si Gavin?

Ngayon na nailabas ko na ang sama ng loob ko, nagkausap na kami ni Mia, nasa tamang pag-iisip na ako ulit at nakatulog na rin, ay saka ko napag-isip-isip kung gaano kahiya-hiya ang inakto ko kagabi.

"Okay ka lang, Bree?" Puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Mia.

"Huh?" Masyadong lutang ang isip ko para makuha ang sinasabi niya.

"Ang sabi ko nandito na tayo, papagalitan na tayo ni manong driver pag 'di pa tayo bumaba," natatawang giit niya.

Sinilip ko ang labas nitong jeep at tama nga si Mia, nandito na kami sa tapat ng binababaan namin. Mabilis akong kumilos para tumayo, mabuti na lamang at medyo marami rin ang bumaba same sa pinagbababaan namin, kung hindi ay 'di lang si manong driver ang sisinghal sa amin, panigurado pati mga pasahero.

Sa office, hindi namin nakita kahit sino sa marketing department. Tuwing lalabas naman kami or di kaya'y mapapadaan sa kanila ay nakikita namin kung gaano sila kaabala. Wala kaming ideya sa maaaring dahilan, pero madalas naman kasi silang busy kaya hindi na bago. Sa totoo lang ipinagpapasalamat ko pa nga 'yon.

Hindi pa ako handang harapin ulit si Ma'am Lauren. Abot-abot nga lagi ang kaba ko sa tuwing magbubukas ang pinto thinking na siya ang maaaring pumasok.

Pagdating naman kay Gavin, kanina nang mapapansin kong lalapit siya sa akin during break ay mabilis akong umalis. Ayon lang ang paraan na alam ko para ilayo ang sarili sa posibleng kahihiyan. Hindi ko naman kasi kontrolado kung anong maaaring lumabas sa bibig ni Gavin 'no. Mabuti na lamang at hindi niya rin ipinilit ang sarili niyang guluhin ako. Siguro'y, kailangan ko munang magpalipas ng ilang araw para hindi na ako mailang around him.

Sunod-sunod na araw pa na seryoso ang mood sa office, tutok sa trabaho ang lahat. Siguro dala na rin ng tensyon dahil nakikita namin na seryoso at abala ang marketing department. Sa kaso ko hindi ko rin naman talaga magawang magliw-aliw dahil nga may kailangan akong tapusin, talking about my deadlines. Siguro gaya ko ang iba ay gano'n din.

"Mamaya huh, sama kayo," anang isang boses sa likod ko.

Ramdam ko ang kamay niya at presensya niya sa likod ko pero pinilit kong balewalain. Nahagip ng tingin ko na nagtanggal ng headset niya si Mia marahil para kausapin ang lalaki. Ako man ay nakasalpak din ang headset, kasalukuyan lamang walang tumutugtog ngayon dito kaya naman malinaw kong naririnig ang pag-uusap nila.

Sa halos araw-araw naming magkakasama kabisado ko na ang mga boses ng bawat artist dito. Hindi ko na kailangan lingunin at kumpirmahin pa ang nasa likod ko, dahil alam ko na si Gavin 'yon.

"Ano 'yon, Gav? Problema mo?" usisa ni Mia.

"Shot daw sabi ni Kevs,"

"Shot? Awit sa inyo. Hoy, parang walang pasok bukas ah!"

"Kunwari ka pa, sasama ka naman.."

Narinig ko ang malutong na pagtawa ni Mia dahil sa tinuran ng lalaki, "You know the drill! Kaya sayo ako, Gav eh," Pagsakay pa ng kaibigan ko sa biro ng lalaki. Nahagip ng mata ko ang pag-apir nilang dalawa.

UNFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon