Chapter 2

8 3 8
                                    


Napangisi ako ng magtama ang mga mata namin.

Ano 'to, some scenes in dramas?

Hindi ko napigilan ang mapairap dahil sa naisip. Bakit ko naiisip ang mga ganun, hindi bagay. I should definitely limit watching korean dramas so I can also limit my daydreamings.

Like seriously, with Marco talaga? Nevermind.

Nakita kong natawa siya dahil sa inakto ko. Umismid naman ako sa kanya saka ibinaba ang mga braso kong nakahawak sa bag na ginamit kong panangga sa ulan.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" walang gana kong sabi sa kanya.

"Ito naman galit agad, wag kang assuming huh," nakangisi niyang sabi, "May kukunin lang ako kay guard, ano ka." dagdag pa niya sabay tawa.

Malakas ko siyang hinampas.

"Ang kapal ng mukha huh," sinasabi ko na nga ba mang-aasar lang 'tong bwisit na 'to. "Bilisan mo na nga, sasabay ako kahit hanggang diyan lang sa guard house," sabi ko at humawak na sa braso niya para hilahin siya't magtuloy na sa paglakad.

"Ako talaga ang makapal ang mukha?" bulong pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin pero di na pinatulan pa.

Pagdating sa may guard house ay dumiretso na ako sa may biometrics para makapag-out na. Nakita ko naman siyang may package na kinuha mula sa guard.

Nag-uusap pa sila nung guard kaya namin sumingit na ako. Tinapik ko si Marco para magpaalam.

"Bye.."

Bahagya pa akong nagulat nang bigla ay harapin niya pa ako. Iniumang niya sa akin ang hawak na payong.

Saglit kong tinignan ang payong na iniaabot niya bago ko ibinalik sa mukha niya. Pinilig ko ang ulo ko habang nagtatakang nakatingin sa kanya, bago pa man ako makapagtanong ay nagsalita na siya.

"Gamitin mo na, parang lumakas na naman ang ulan." seryosong sabi niya kaya naman agad kong sinilip ang ulan at tama nga siya, bwisit. "Mamaya pa naman ako uuwi, saka malapit lang din naman ang tinutuluyan ko dito, kumpara sayo." aniya na nagpabalik sa kanya ng atensyon ko.

I sighed. Bago ko tinanggap ang payong niya. Hindi na ako tatanggi dahil kailangan ko talaga.

"Hindi ko 'to tatanggihan, salamat na rin," sabi ko na may halong sarkasmo.

Nakangising umiling siya na para bang hindi makapaniwala sa akin.

"Walang anuman, Aubree," puno ng sarkasmong sagot niya.

Tinawanan ko lang siya saka nagtuloy nang umalis.

Mas kampante na akong maglakad ngayon na may gamit na akong payong. Mabuti na lang at nakapag-isip ng tama yung isa at pinahiram ako.

Mabait naman 'tong si Marco, well kumpara sa kaibigan niya. Malay ko ba at nagdidikit kasi siya dun, nahahawa tuloy siya sa kagaguhan nun.

Medyo malayo-layo din ang lalakarin ko mula sa office papunta sa sakayan ng jeep. Nang madaan ako sa isang convenience store ay nagulat na lamang ako ng biglang may tumakbo palapit sa akin at humawak sa dala kong payong.

Una akong napatingin sa pantalon ko na nabasa dahil sa naging talsik ng tubig ulan na gawa ng kung sinumang basta na lamang nakisilong sa payong ko. Irita kong binalingan ang taong 'yon at mas lalo akong nainis ng makita ang may kagagawan.

Ang walang hiyang si Gavin lang naman.

"Ayun, sakto ka Bree! You're my life saver!" aniya sa mapaglarong tono.

The fuck?

Sinamaan ko siya ng tingin bago singhalan.

"Bwisit ka! Binasa mo ako!" asik ko sa kanya.

UNFAIRWhere stories live. Discover now