Chapter 19

1 0 0
                                    


"I'm getting more and more lost in you"

~*~

Napalunok ako habang nakatingin sa nakangising mukha ni Mia. Hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan 'yang sinabi niya na siya ang bahala sa akin.

Kinakabahan ako sa kung anong naiisip niya.

Pinanuod ko siya nang mag-umpisa siyang magtipa ng panibagong mensahe. Binura niya ang naumpisahan ko. Sunod kong nakitang pinindot niya ang unang mensahe ni Marco na nagtatanong kung tapos na kaming kumain. Nagsalubong ang kilay ko sa nakitang reply niya.

Ako:

Yes. Tapos na kami. Ikaw ba, kumain ka na rin Marco :)

"Hoy!" Sinubukan kong agawin sa kanya ang phone ko pero mabilis niyang nailayo sa akin 'to.

Hindi naman bago sa amin ang magbatuhan ng tanong related sa pagkain or personal concerns, pero I never send him a message in that kind of tone. Ibig kong sabihin 'tong para bang inuutusan ko siya at isa pa, ang smiley! Jusko! Pakiramdam ko masyadong ang harot nang dating ng sinend ni Mia.

Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Hindi ko na rin alam kung dahil ba pa 'yon sa kahihiyan or sa pagkainis ko sa kaibigan dahil nagawa pa akong tawanan nito.

"Chill. Relax, Aubree. Tiwala ka lang sa akin, I got this," kumbinsi niya sa akin bago nagtaas-baba pa ng kilay niya. "Oh, ayan! Nagreply na siya."

Mabilis siyang naupong muli sa tabi ko para ipakita ang reply ni Marco.

Marco:

HAHAAHAHH nice gumaganyan ka na ngayon, Aubree. Yes, tapos na po ako :)

"Luh, kilig si gago oh!" Natatawang komento ni Mia habang nakaturo pa sa screen ng phone ko.

Pilit ko naman kinagat ang ibabang labi ko para itago ang ngiting gustong kumawala. Ngunit sa tingin ko ay hindi naman ako nagtagumpay.

"Tch." Inismiran ako ni Mia bago siya umiling nang makita ang reaksyon ko.

Bumalik ang atensyon namin ni Mia sa phone ko nang makitang may panibagong mensahe.

Marco:

Teka nga iniiba mo usapan bree. Samahan mo na ko sa art gallery.

Maraming klase ng painting do'n ano ba gusto mo? Sabihin mo nga

Kinabahan ako nang makita ang pagnguso ni Mia bago siya ngumisi. Hindi ko yata gusto kung ano man ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

"Aubree.. we're on the twenty-first century. If no one dares to do the first move between the two of you, you'll both end up in despair. So, hayaan mo akong tulungan ka," aniya sabay kindat pa sa akin.

Tila isang inkantasyon ang sinabi ni Mia sa akin, sapagkat sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan ay nagawa niya akong mapatahimik. Hinayaan ko siya nang muli niyang ibalik ang atensyon sa phone ko. Ni hindi ako nakapagsalita para tumutol.

Oo, kinakabahan ako sa kung anong naiisip ni Mia, but also a part of me wants to believe in her— or more like wants to depend on her. Aware rin naman kasi ako sa kagustuhan kong malinawan sa kung ano nga bang mayroon sa amin ni Marco. Kung ako lamang ang gagawa ng paraan para alamin 'yon, ay parang hindi ko yata kakayanin.

Hindi kaya ng pride ko ang umamin or kahit lamang ang tanungin si Marco nang diretso tungkol sa ano nga bang matatawag sa koneksyon mayroon kami, kaya marahil ito na nga ang magandang pagkakataon para makakuha ako ng sagot, sa pamamagitan ni Mia.

Naramdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko habang pinapanuod si Mia na magtipa.

Marco:

UNFAIROnde histórias criam vida. Descubra agora