41: The Connection

Start from the beginning
                                    

Pero nagawa ko. Napagtagumpayan ko sa tulong niya at ng mga taong hindi nagduda na magagawa ko. Sa tulong niya na may mas mahirap pa palang pinagdadaanan pero sa kabila no'n ay piniling buhayin ako at patatagin ang loob ko.

Ano lang ba ang simpleng pagkakamali na nagawa niya kung ikukumpara sa magagandang bagay na naidulot niya sa buhay ko? Hanggang kailan ka magmamatigas Bliss Audrey?

"At first, wala akong iba inisip kunndi ang pansaeiling kapakanan ko. But as time goes by, as I get to know more of you, as I get to know your story and your heartaches, it changed. Hindi ko na lang gusto na pag-aralan ka. Ang gusto ko ay gawin kang istrumento para ipakita sa buong mundo na walang taong perpekto. Na mayroong katulad mo na hindi ipinanganak na normal pero hindi naging kabawasan para sukuan mo ang buhay," madamdaming sabi niya pa. "Gusto kong ipakita sa mga tao sa pamamagitan mo na hindi nila kailangan na baguhin ang sarili nila para maging sapat, para makakuha nang pagtanggap. Na puwede silang maging sila lang, walang pagpapanggap."

Ang luhang kaninang pinipigilan ko ay para nang bukal na umaagos sa pisngi ko. Imbes na magmulat ay mas itinago ko ang mukha ko sa mga palad ko at doon nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak. Bawat salitang binitawan niya ay tumatagos sa puso ko. Paulit-ulit na umiikot sa utak ko na para bang hindi sapat na isang beses ko lang mapakinggap 'yon.

Naramdaman ko siyang pilit na inaalis ang pagkakatakip ko sa sariling mukha ngunit nagmatigas ako. Nahihiya dahil sa mga naging pagkilos ko at hindi pakikinig sa kaniya. Nagsisisi dahil mas piniling magpalamon sa galit at sakit at manghusga ng gano'n kadali.

Ngunit higit na mas malakas siya dahil sa kabila nang emosyonal na estado ay nagawa niyang alisin ang mga kamay sa mukha ko upang ikulong sa maiinit na palad niya. Hilam ang mga mata sa luha na sinalubong ko ang kaniya. Hindi nalalayo ang itsura naming dalawa dahil maging ang mga mata niya ay namumula na rin tanda nang pagluha.

"I'm sorry."

Luhaang tumango ako sa kaniya. "S-sorry," sabi ko sa pagitan nang paghikbi.

Ilang beses siyang umiling at nanatili lang titig sa mukha ko. Ang mga darili ay kumikilos upang tuyuin ang luhang patuloy pa ding umaagos sa mga mata ko. "I love you so much, baby."

Kusang pumikit ang mga mata ko nang magsimulang bumaba ang mukha niya. Ang mga luha ay patuloy pa rin sa pagdaloy ngunit hindi na lang purong sakit ang dahilan ng mga iyon. Naroon na ang pagmamahal at paghingi ng tawad. Naroon na ang pag-intindi at kaliwanagan.

Ang puso kong kanina ay pumipintig dahil sa sakit at galit ay pumipintig na ngayon dahil sa pagmamahal nang tuluyan nang dumampi ang labi niya sa akin. Muli na namang bumuhos ang aking luha ngunit nang dahil na sa purong saya. Saya na binubura ang pag-aalinlangan ko sa mga naging pagkilos niya noon. Saya na pumuputol sa kung anumang galit na nararamdaman ko para sa kasalanan niya na hindi naman pala purong panggagamit ang intensyon. Saya na muli na namang bumubuhay sa puso ko na akala ko ay tuluyan nang babalutin ng kadiliman.

Napahawak ako sa kamay niya na nakahawak sa magkabilang pisngi ko nang magsimulang gumawa ng ritmo ang mga labi niya. Naging mariin ang pagkakapikit ko nang ang inaakala kong simpleng pagdampi lang sa labi ay mas pinalalim niya. Sa bawat galaw na ginagawa niya ay ramdam ko ang rahan at pagmamahal. Na para bang doon niya ipinaparamdam ang katotohanan ng pagmamahal niya.

Hindi na niya ako binigyan ng oras na masuklian ang halik na iginawad niya nang putulin niya iyon matapos ay inilapat ang sa noo ko ang kaniya. "Mahal na mahal kita. Huwag mo akong iwan, pakiusap. Hindi ko na alam kung paanong babangon sa oras na tuluyan kang mawala sa buhay ko."

Tumango-tango ako bilang sagot. "Pangako. Basta maipapangako mo na hindi ka na magsisinungaling mula ngayon."

Ang pangamba ay muli na namang nabuhay sa mga mata niya. Ngunit mabilis din iyong nawala nang ngumiti siya. "Pangako."



A Walking Canvas (Rare Disorder Series #1)Where stories live. Discover now