6

15 0 0
                                    

Savior

Sa kastilyo
"Ilang araw nang nawawala ang prinsipe, ano bang ginagawa ng mga kawal at hindi nila mahanap hanap ang aking anak?!"

Maririnig sa boses ng hari ang pagaalala at galit dahil sa sitwasyon na kanilang kinalalagyan.

"Mahal, makikita din natin ang prinsipe tayo'y maghintay lamang at magtiwala sa ating mga kawal"
Bagama't sinusuyo ng reyna ang hari di mapagkakaila na sya rin ay nangangamba sa kalagayan ng prinsipe.
........................................................

Bilibial Forest

"Maraming salamat sa pagligtas ng aking buhay Binibini"

Di makatingin na sambit ng isang binatang nakaupo sa isang silya ng isang mumunting barong barong sa dalagang nasa kanyang harapan na abala sa pag gawa ng tsaa.

"....."

Walang imik na inilapag ng dalaga ang nagawang tsaa sa lamesa at muling bumalik sa kusina upang kumuha ng tasa. Dala dala ito, sya ay naupo sa harapan ng binata at pinag salin nya ito ng mainit na tsaa.

"Salamat" ani ng binata at uminom

Pasimpleng sumulyap ang binata sa dalagang kanyang tagapagligtas.

Muli nyang naalala ang mga naganap mga ilang oras na ang nakararaan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Muli nyang naalala ang mga naganap mga ilang oras na ang nakararaan.


Dumako ang kanyang paningin sa dalagang nagligtas ng kanyang buhay.
At ganun na lang ang kanyang pagkakabigla ng masilayan ang dalagang nagligtas ng kanyang buhay.

Agad nyang napansin ang mga mata nitong hindi nababakasan ng emosyon, kalmado itong nakatingin na tila ba walang pakialam sa kung sino man ang taong kanyang nasa harapan, mapapansin din na  tila sandaling naging pula ang mga mata nitong kulay abo,  ngunit marahil ay guni guni lamang ito ng binata dahil na rin sa side effect ng halamang gamot na nasa kanyang katawan.

Sunod na napukaw ang kanyang atensyon sa mahaba at medyo kulot nitong buhok na abot hanggang baywang na sing kulay ng tiglamig. Hindi rin nakaligtas sa kanyang tingin ang  makinis at maputing kutis ng dalaga na tila ba hindi nasisinagan ng araw.
Sya nga na isang Prinsipe ay hindi ganito kaputi kahit na sabihing hindi sya gaano lumalabas ng kastilo simula pagkabata pagkat ito ay pinagbabawal ng kanyang ina.


Hindi ko talaga lubos maisip na may naninirahan palang magandang dilag sa kakahuyan na ito. Ngunit nakakapagtaka naman na sa dinami rami ng bayan dito sa aming kaharian ay dito pa nya napiling manatili.


Naputol ang kanyang pagiisip ng mapansing nakatingin sa kanya ang dalaga.

"*Ehem* Pano ko ba masusuklian ang iyong pag mamagandang loob Binibini?" tanong nya rito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"*Ehem* Pano ko ba masusuklian ang iyong pag mamagandang loob Binibini?" tanong nya rito


"Wala itong kapalit" tipid na sagot ng dalaga tyaka sumimsim sa hawak na tsaa.


Isang katahimikan ang namayani sa dalawa. Nang may naalala syang isang mahalagang bahay, hindi pa pala ako nakakapag pakilala isip ng binata.


"uh.. Ang aking ngalan ay Cynfael kinagagalak kitang makilala" sabay lahad ng kanyang palad.


"Asha" at tinanggap ang kamay nito


"hmm.. that's a beautiful name" bulong ng binata

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Cynfael (sinfel)
I used the picture para maimagine nyo yung Mga expressions and situations na nagaganap sa story hehe SKL

Living againWhere stories live. Discover now