7

15 0 0
                                    

Day

Ilang linggo narin ang nakararaan mula ng maging kasama ni Asha ang binatang si Cynfael. Araw araw ay sinasamahan sya nitong kumuha ng tubig sa sapa upang ipandilig sa kanyang mga halaman. Tumutulong din ito sa mga bagay bagay na alam nyang gawin bagama't minsa'y pumapalpak ay nakakatulong parin naman kahit papaano.

"Kung gayon dito mo pala ako nakita?" Tanong ng binata habang naka tingin sa lugar kung saan sya nawalan ng malay.

Tumango ang dalaga bilang sagot at lumakad papalapid sa sapang kanilang pagkukuhanan ng tubig. Agad na sumunod ang binata upang tumulong.

"Tulungan na kita binibining Asha"

"Salamat" sabay abot ng lalagyan.

Tahimik nilang ginawa ang kanilang pakay.

Ilang linggo na rin akong naririto ngunit bakit tila hindi nya nais malaman kung saan ako nanggaling? Saan nagmula ang aking mga galos? Kung paano ko ito nakuha? At kung ano ang nangyari sa akin? Sa aking palagay ay hindi nya pa ako lubusang pinagkakatiwalaan.

Napansin ng dalaga na tila malalim ang iniisip ng binata at panay ang bunting hininga nito.

Ano naman kaya ang nangyari dito? Nabaliw na ata.

Lingid sa kaalaman ng binata ay nabansagan na syang baliw ng kanyang kasama.

..................................................................................................

Nang makarating sa kanilang tinutuluyan ay agad na nagtungo ng kusina ang dalaga at sinimulan ng maghain ng makakain.

"May maitutulong ba ako sa iyo Binibining Asha?"

Saglit na sumulyap ang dalaga.

"Huwag na"

Nang binalak mo akong tulungan ay halos lamunin ng apoy ang kusina ko

Bagsak ang mga balikat na tinungo nya ang isang silya at pinagmasdan ang ginagawa ng dalaga. Makikita na sanay na sanay na ito sa gawaing bahay at tila ba simula't sapul ay ginagawa na nya ito.

Siguro ay matagal na syang naninirahan dito ng nag-iisa.

Langhap na langhap ang aroma ng putahe na niluluto ng dalaga na nagpakalam ng kanyang sikmura. Sa kasawiang palad ay nadinig ito ng dalaga.

"Sandali na lamang at maluluto na ito"

Namula ang mukha ng binata dahil sa kahihiyan.

"....."

Вы достигли последнюю опубликованную часть.

⏰ Недавно обновлено: Nov 05, 2021 ⏰

Добавте эту историю в библиотеку и получите уведомление, когда следующия часть будет доступна!

Living againМесто, где живут истории. Откройте их для себя